Mga larawan mula sa Pasay City LGU
LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay at ng Coca Cola Philippines ang ‘Tapon to Ipon’ program.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang naturang programa ay programa na naglalayong makapagrecycle ng mga PET-Classified bottles kung saan ang mga naiipong bote na may kabuuang timbang na kalahating kilo ay maaring ipalit sa mga Coke products.
Bilang bahagi ng nasabing proyekto, ang mga boteng may label na "1" ang tatanggapin. Ito ay dapat na klaro o walang kulay, malinis na walang basura o amoy at tuyo o walang laman.
Ang mga nasabing bote ay maaring dalhin sa mga sumusunod na partner collection hubs:
- EDM Store (2407 M. Dela Cruz, Pasay City)
- Rhyelnetts Eatery (2193 Luna St. Pasay City)
- Omar Minimart (2642 Tramo St. Brgy. 51, Pasay City)
- Jacquelyn Store (2413 P. Villanueva St. Pasay City)
- Bhebang Store (Market Rd. cor. Taft, Pasay City)
- Freya Consumer Good Store (2336 Leveriza St. Brgy. 40, Pasay City)
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang kalikasan ay bahagi ng kanyang mga prayoridad na programa na H.E.L.P. bilang bahagi ng sustainable goals ng lungsod.
Kasama rin sa naturang H.E.L.P program ay: Health and Housing, Education, Economic Growth, and Environment, Livelihood and Lifestyle, and Peace and Order, Palengke (Market) and Pamilya. (Pasay City/PIA-NCR)