No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Dagdag P1 pasahe sa mga PUJ sa NCR, Region 3 at 4, aprubado na ng LTFRB

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA)-- Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 Provisional Fare Increase sa mga Public Utility Jeepney (PUJ) sa Metro Manila, Region III, at Region IV kahapon, Hunyo 8, 2022, kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Sa inilabas na resolusyon ng LTFRB, ang pagpapatupad ng provisional fare increase ay sagot sa malakihang pagtaas ng presyo ng langis, kung saan nagpatupad din ang mga big oil companies ng mahigit-kumulang P6.50 na dagdag-presyo kada litro.

Sa kabila nito, nililinaw ng ahensya na ang provisional fare increase ay hindi sagot sa gumugulong na petisyon ng mga transport groups na taasan ang minimum fare sa PUJ ng P5 hanggang P6. Didinggin pa sa En Banc hearing ang kanilang petisyon ngayong buwan.

 Sa pagpapatupad ng fare increase, inaatasan ang mga PUJ operators at drivers na maglagay sa loob ng kanilang unit ng notice ng provisional fare increase. Epektibo pa rin ang discount sa mga estudyante, senior citizen, at mga Persons with Disabilities.

Bagamat may Provisional Fare Increase, patuloy pa rin ang mga programa ng LTFRB na nagbibigay tulong sa mga driver, operator, mga pasahero na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga epekto ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Patuloy ang pag-arangkada ng Libreng Sakay ng Service Contracting Program at ang pamamahagi ng Fuel Subsidy Program sa mga PUV franchise holders. (LTFRB/PIA-NCR)


About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch