No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kaso ng COVID sa Parañaque, umakyat sa 26 

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Naitala nitong Miyerkules ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque ang pag-akyat sa 26 ang binabantayang kaso ng COVID-19 sa siyudad.

Sa tala ng City Epidemiology and Surveillance Unit, 10 active cases ang nadagdag sa bilang ng ginagamot.

Pinakamarami ang pasyente sa Barangay Don Bosco na nagtala ng siyam na aktibong kaso dalawang araw matapos maging COVID-19-free.

Nananatili namang zero ang kaso sa Barangay Don Galo, La Huerta, San Dionisio, Sto. Nino, Vitalez, San Antonio, San Martin, at Sun Valley.

Dagdag pa ng LGU, 50,287 mula sa mahigit 51,000 confirmed cases ang gumaling na sa virus habang 793 ang namatay. (PIA-NCR)

About the Author

Alehia Therese Abuan

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch