No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PENRO Nueva Vizcaya kampeon sa "Pistang Palaro"

LUNGSOD NG TUGUEGARAO, Cagayan (PIA) - - Itinanghal na kampeon sa "Pistang Palaro" ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) region 2 ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) Nueva Vizcaya. 

Pumangalawa ang PENRO Isabela at pangatlo naman ang PENRO Cagayan sa iba't-ibang mga patimpalak na isinagawa kasabay ng pagdiriwang ng ahensiya sa kaniyang ika-35 taong anibersaryo at kasabay na rin ng pagobserba sa Philippine Environment Month. 

Ang regional office at mga provincial office, kabilang ang Mines and Geosciences Bureau at Environmental Management Bureau sa nagpasiklaban ng galing at talento sa larangan ng basketball, volleyball, badminton, amazing race, darts, scrabble, chess, vocal solo, vocal duet, cultural dance, evolution dance, at extemporaneous speech.

Binigyang diin ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat isa para makamit ang mga layunin ng ahensiya. 

Nagpasalamat din ito sa suporta ng mga emplyeado sa kanyang pag-upo bilang pinuno ng ahensiyang na nangangasiwa at nagtataguyod sa mga programa para sa proteksiyon ng kapaligiran at likas yaman. 

Paglalaro ng basketbol ng mga koponan mula sa iba't-ibang provincial offices ng DENR Region 2.

Ang Pistang Palaro, aniya, ay isinagawa upang itaguyod ang wastong kalusugan ng bawat empleyado na kinakailangan upang magampanan nila ng husto ang kani-kanilang mga tungkulin bilang mga lingkod bayan. (MDCT/OTB/PIA Cagayan) 

About the Author

Oliver Baccay

Information Officer IV

Region 2

  • Assistant Regional Director, Philippine Information Agency Region 2
  • Graduate of Bachelor of Arts in Mass Communication 
  • Graduate of Master of Arts in Education, major in English
  • Graduate of Doctor in Public Administration

Feedback / Comment

Get in touch