No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 6 MSME sa Marinduque, lalahok sa Food Connect Program ng DTI

BOAC, Marinduque (PIA) -- Anim na micro small and medium enterprises (MSME) mula sa Marinduque ang napiling maging kabahagi ng Food Connect Program (FCP) ng Department of Trade and Industry (DTI), sa pakikipagtulungan ng Philippine Trade Training Center (PTTC).

Ang PTTC-Global MSME Academy (GMEA) ay ang training arm ng DTI na nakatuon sa pagbibigay ng komprehensibong pagsasanay at pagbalangkas ng mga programang makatutulong sa pagpapaunlad at pagpapalakas ng bawat micro small and medium enterprises sa lipunan.

Kabilang sa mga kalahok sa programa ay ang Bahi Agricultural and Fisheries Association, Uncle Roy Processed Food Manufacturings, 5R Entrepreneurs Agricultural Ventures and Development Corp., Sagana Marinduque Agriculture Cooperative, Collens Homemade Peanut Butter at Marbello Enterprise.

Isa ang Bahi Agricultural and Fisheries Association sa anim na micro small and medium enterprises sa Marinduque ang napabilang sa Food Connect Program ng Department of Trade and Industry. (Larawan mula sa DTI-Marinduque)

Ang naturang mga establisyemento ay sasalang sa dalawang buwang pagsasanay simula Hunyo 14 hanggang Agosto 12 hinggil sa tamang preparasyon, dokumentasyon at aplikasyon ng tinatawag na 'gate-to-plate processes in the food chain'.

Samantala, sa pagtatapos ng kursong FCP, inaasahan na makatutulong ito sa mga food establishment para makakuha ng license to operate mula sa Food and Drug Administration. (RAMJR/PIA-MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch