No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 50 green sea turtle, pinakawalan ng PNP sa Romblon

May aabot sa 50 Philippine green sea turtles ang pinakawalan ng mga tauhan ng Romblon Police Provincial Office noong Miyerkules sa Barangay Agpanabat, Romblon, Romblon. (Larawan mula sa Romblon PPO)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- May aabot sa 50 Philippine green sea turtle ang pinakawalan ng mga tauhan ng Romblon Police Provincial Office kamakailan sa Barangay Agpanabat, Romblon, Romblon.

Pinangunahan ni Provincial Director Police Col. Raynold Rosero ang pagpapakawala sa mga pawikan kasama ang iba pang opisyal ng Romblon PNP, Barangay Agpanabat, at mga empleyado ng Municipal Agriculture Office.

Ayon sa MAO, ang mga baby green sea turtles na ito ay itinututuring nang endangered dahil sa mabilis na pagkaubos ng mga ito sa dagat.

Sinabi ng Romblon Police Provincial Office na ang pangangalaga sa mga green sea turtle at sa iba pang endangered species ay malaking bagay para masigurong maayos ang marine ecosystem ng bansa. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch