No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Seasonal workers mula Cavinti planong tanggapin sa South Korea

CALAMBA CITY, Laguna (PIA) — Pumirma ng memorandum of understanding (MOU) para sa implementasyon ng Foreign Seasonal Workers Program (FSWP) ang lokal na pamahalaan ng Cavinti at Cheongsong-gun County, South Korea nitong Hunyo 22.

Layon ng programa na imbitahing magtrabaho para sa sektor ng agrikultura sa South Korea ang ilang mga taga-Cavinti sa loob ng 3-5 buwan. Ilan sa mga trabahong iaalok sa programa ay ang pagtatanim at pagha-harvest sa mga rural areas ng Cheongsong-gun.

Lumagda sa kasunduan si Cavinti Mayor Milbert L. Oliveros, Vice Mayor Arrantlee Arroyo, Cheongsong-gun Governor Youn Kyung He, Director of Agricultural Training Center Ha Kyong Chan, at iba pang mga opisyal mula sa dalawang lokal na pamahalaan.

Ayon kay Oliveros, mas pinagtibay ng kasunduan ang ugnayan at pagkakaibigan ng bayan ng Cavinti at ng Pilipinas sa Republic of Korea.

Nagpasalamat din ang alkalde sa Cheongsong-gun County at Republic of Korea dahil sa panibagong oportunidad na ibibigay ng programa para sa kanilang mga kababayan. — CH, PIA4A (may ulat mula sa SB Cavinti Laguna)

About the Author

Christopher Hedreyda

Region 4A

Provincial Information Center Manager, PIA Laguna

Feedback / Comment

Get in touch