No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Las Piñas emergency response teams nagpamalas ng galing sa first aid olympics

Mga miyembro ng Barangay Ilaya na tinanghal bilang kampeon ng 3rd Las Piñas City DRRM Inter-Barangay First Aid Olympics.

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Nilahukan ng mga barangay emergency response teams ng lunsod ng Las Piñas ang 3rd Las Piñas City Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Inter-Barangay First Aid Olympics na ginanap kahapon, Hulyo 14, 2022, sa Aguilar Sports Complex, Las Piñas City.

Nagpamalas ng galing ang emergency response teams ng kanilang kakayahan at kaalaman sa wastong pamamahala at pangangalaga sa mga pasyente ng trauma at medical emergencies.

Ang paligsahang ito ay kaugnay rin sa pagdaos ng National Disaster Resilience Month na may temang "Sambayanang Pilipino, nagkakaisa tungo sa katatagan at maunlad na kinabukasan,” na pinangunahan nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar sa pamamagitan ng Las Piñas City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ayon sa Las Piñas local government unit, layunin nitong bigyang pugay ang emergency responders sa kanilang dedikasyon at hindi matatawarang ambag sa lungsod sa mga panahon ng kagipitan at kalamidad lalo na ngayong pandemya.

Vice Mayor April Aguilar sa 3rd Las Piñas City DRRM Inter-Barangay First Aid Olympics na ginanap sa Aguilar Sports Complex.

Narito ang mga nagwagi sa nasabing paligsahan:

Itinanghal bilang Champion ang Barangay Ilaya;

1st Runner Up ang Barangay Pamplona Uno at 2nd Runner Up naman ang Barangay Zapote.


Bukod po dito, kinilala bilang Best in CPR ang Barangay Ilaya;

Best in Bandaging Technique ang Barangay Talon Kuatro;

Best in Transfer Technique ang Barangay Pulanglupa Dos;

Best in Situational Analysis ang Barangay Zapote;

Best in Patient Extrication ang Barangay Pamplona Uno;

Best in Uniform ang Barangay Talon Uno at

Most Organized Team naman ang Barangay Pulanglupa Dos.


(Photos by Las Piñas PIO)

About the Author

Alaine Allanigue

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch