No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 3rd Palawan Rescue Olympics, isinagawa sa Narra

3rd Palawan Rescue Olympics, isinagawa sa Narra

Ang rescuers na lumahok sa 3rd Palawan Rescue Olympics noong Hulyo 13, 2022 sa bayan ng Narra, Palawan.(Larawan mula sa PIO Palawan FB Page)

PUERTO PRINCESA, PALAWAN, (PIA) -- Isinagawa ang 3rd Palawan Rescue Olympics noong Hulyo 13 sa bayan ng Narra, Palawan.

Ito ay programa ng Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para mapaunland ang kaalaman ng mga rescuer sa mabilis at epektibong pagresponde sa mga biktima ng anumang dumating na sakuna o panganib.

Ayon kay PDRRM Officer Jeremias Y. Alili, isa rin itong paraan para matasa nila at makita kung ano ang mga kakulangan sa bawat Municipal DRRMO (MDRRMO) para makagawa sila ng aksyon hinggil dito.

Aniya,  sa naging aktibidad ay nakita nila ang kahalagahan ng paglalaan ng budget para sa karagdagan pang mga kagamitan gayundin ang kahalagahan ng mas marami pang pagsasanay at ang pagpapasa ng batas para protektahan din ang ating mga responders na palagiang nalalagay din sa panganib dahil sa kagustuhang makapagligtas.

Kaugnay nito ay itinanghal na kampeon ang MDRRMO Rizal habang nakuha ng MDRRMO San Vicente at Quezon ang pangalawa at pangatlong puwesto. Nabigo namang magwagi ang MDRRMO ng  Bataraza, El Nido, at Taytay.  Ang mga grupo ay nakipagtagisan ng talino at lakas sa anim na emergency scenarios na nakasentro sa medical, trauma and communicable disease emergencies.

Ang aktibidad ay kaugnay ng National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo na may temang:’Sambayang Pilipino, nagkakaisa tungo sa katatagan at maunlad na kinabukasan’.(MCE/PIA MIMAROPA)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch