No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Skills training sa bamboo handicrafts, isinagawa ng DTI

Skills training sa bamboo handicrafts, isinagawa ng DTI

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) --  Sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) Oriental Mindoro at DTI Gloria Negosyo Center, katuwang ang pamahalaang bayan ng Gloria at One Town One Product (OTOP) Philippines, isinagawa ang dalawang araw na ‘Skills Training on Bamboo handicrafts on Home Decors and Accessories’ na ginanap sa Sitio Balagbag, Brgy. Maligaya kamakailan.

Nagtulong-tulong ang mga kasapi ng Bamboo Makers Assn. of Gloria (BMAG) upang lumikha ng mga magandang produkto na gawa sa kawayan. (Larawan kuha ng Gloria Municipal Gazette)

Ang nasabing pagsasanay ay kinabibilangan ng 10 miyembro ng Bamboo Makers Association of Gloria (BMAG) na siya rin benepisyaryo ng bamboo skills training noong nakaraang taon kasama ang pito pang Out-of-School Youth.

Ipinakita dito ang galing ng mga Glorianong nagsasanay pagdating sa paghabi ng produkto na mabilis din natuto at nakagawa ng iba’t-ibang  naggagandahang anyo na gawa sa kawayan.

Samantala, ang mga produktong natapos ay agad din idini-display at itinitinda sa OTOP Center na matatagpuan sa harapan ng Gloria Public Market. (DN/PIA-Ormin/GloriaMunicipalGazette)


Ang babaeng nasa larawan ay isa sa mga sinanay na maglagare upang makabuo ng nais niyang imahe na gawa sa kawayan. (Larawan kuha ng Gloria Municipal Gazette)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch