No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

EDSA-Kamuning flyover, bukas nang muli sa mga motorista

Photos courtesy of MMDA

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Bukas nang muli sa motorista ang EDSA-Kamuning Flyover southbound simula nitong Sabado.

Pinangunahan nina Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Officer-in-Charge Baltazar Melgar ang muling pagbubukas ng naturang flyover.

Ayon kay MMDA OIC Melgar, maaari nang daanan ang tulay maliban sa mga trucks na may mabibigat na karga base sa hiling ng DPWH.

Magtatalaga ang MMDA ng mga traffic personnel sa lugar para siguruhin na walang mabibigat na trucks na makakadaan sa tulay.

Matatandaang isinara ng DPWH ang southbound ng EDSA-Kamuning Flyover noong June 25 para sa pagkukumpuni nito dahil sa mga nakitang mga crack at potholes. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch