No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: El Nido Transport Terminal, nais matupad ni PBBM

El Nido Transport Terminal, nais matupad ni PBBM

Ang usang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. kung saan nabanggit nito na isa sa nga infra projects na ipatutupaad nito ay ang El Nido Transport Terminal. (Screenshot mula sa SONA coverage ng RTVM)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Isa ang El Nido Transport Terminal sa mga infrastructure projects na nais ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na maisakatuparan sa panahon ng kanyang panunungkulan sa loob ng anim na taon.

Nabanggit ito ni PBBM sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) nitong Hulyo 25. Ayon kay PBBM ang 'backbone' ng ekonomiya ay ang programang imprastruktura dahil konektado ito sa lahat ng sektor tulad ng turismo at agrikultura.

Sinabi din nito na wala siyang isususpende o ititigil sa mga proyektong sinimulan ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte, at isa nga sa mga ito ay ang El Nido Transport Terminal.

Ipagpapatuloy din aniya nito ang magagandang proyektong pang-imprastruktura na nagkapagbigay ng benepisyo sa publiko at kung maaari ay nais nitong magkaroong pa ng expansion sa mga ito.

Tinatayang 5-6% ng Gross Domestic Product (GDP) ang ilalaan ng pamahalaan para sa mga programang pang-imprastruktura at tinitingnan din nito ang Private Public Partnership (PPP) na malaki ang potensiyal para sa pagpapalawak ng infra program, dagdag ni PBBM. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch