No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Malinis na tubig, hatid ng MMDA sa Abra

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Nagpaabot ng tulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga naapektuhan ng lindol sa lalawigan ng Abra sa pamamagitan ng paghatid ng malinis na inuming tubig.

Gamit ang dalang portable water purification system, malinis na inuming tubig ang naihandog ng mga kawani ng MMDA sa mga residente ng lalawigan.

Ayon sa MMDA, sa pamamagitan ng kanilang solar-powered portable water purifiers, ay kayang maglabas ng 180 litro ng tubig kada oras.

Samantala, nauna nang nagpadala ang ahensya ng ilang mga kawani upang magbigay ng agarang-tulong sa mga naapektuhan ng lindol. (MMDA/PIA-NCR) 

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch