No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Huwag gamitin sa pamumulitika ang relief distribution-Sec. Tulfo

BAGUIO CITY (PIA) -- Nanawagan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa mga lokal na opisyal na huwag nilang gamiting sa pamumulitika ang mga ipinapamahaging tulong mula sa ahensiya.


Kasunod ito ng mga report na natanggap ng opisyal kaugnay sa umano'y pagpili ng ilang opisyal kung sino ang bibigyan nila ng tulong mula sa mga naapektuhan ng malakas na pagyanig.


Iginiit ni Tulfo na ang mga ipinapamahaging tulong ng ahensiya ay mula sa gobyerno kaya hindi dapat mapili kung sino ang mga bibigyan ng tulong.

DSWD Secretary Erwin Tulfo (Photo: DSWD)

"Paalala ko po sa ating mga local government leaders, from governors, mayors, barangay officials, relief po 'yan ng gobyerno at hindi po dapat gamitin sa pamumulitika. At 'yang relief po na iyan na ibinibigay ho namin ay wala hong kulay 'yan."  


Inatasan pa nito ang mga pinuno ng mga regional at provincial offices ng DSWD ha huwag nilang iiwan ang mga lugar na nakaranas ng sakuna. 


"Let us make sure that nade-deliver natin 'yung pangangailangan ng tao. 'Wag ho nating iwan. Regional directors and provincial offices even our municipal link people, 'wag ho nating iwan, importante 'yun para mabantayan din natin na nadi-distribute 'yung mga ibinibigay ho natin," dagdag ng opisyal.


Samantala, nagpasalamat si Tulfo sa lahat ng nagbigay ng donasyon at tulong sa mga naapektuhan ng lindol lalo na sa probinsiya ng Abra.


Pinasalamatan din nito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagbigay ng generator sets at portable rice mill machines para sa 27 na bayan ng nabanggit na probinsiya. (JDP/DEG-PIA CAR)

Ilokano translation:

Saan a panangpulitika iti relief distribution, inyunay-unay ni Sec. Tulfo

BAGUIO CITY (PIA) -- Nagpanawagan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo kadagiti lokal nga opisyal a saan da nga usaren iti pulitika dagiti maiwarwaras a tulong manipud iti ahensiya.

Kasaruno dayta dagiti naawat a report ti opisyal nga adda dagiti sumagmamano nga opisyal nga agpilpili iti ipaayan da a tulong manipud kadagiti naapektaran iti napigsa a panagdayyeg.

Impetteng ni Tulfo a dagiti iwarwaras a tulong ti ahensiya ket manipud iti gobyerno isut gapuna a saan a rumbeng a mapili nu asino dagiti maipaayan iti tulong.

"Paalala ko po sa ating mga local government leaders, from governors, mayors, barangay officials, relief po 'yan ng gobyerno at hindi po dapat gamitin sa pamumulitika. At 'yang relief po na iyan na ibinibigay ho namin ay wala hong kulay 'yan," palagip ti opisyal.

Binilin na pay dagiti dadaulo dagiti regional ken provincial offices ti DSWD a saan da a panawan dagiti lugar a nadidigra.

"Let us make sure that nade-deliver natin 'yung pangangailangan ng tao. 'Wag ho nating iwan. Regional directors and provincial offices even our municipal link people, 'wag ho nating iwan, importante 'yun para mabantayan din natin na nadi-distribute 'yung mga ibinibigay ho natin," innayun ti opisyal.

Nagyaman met ni Tulfo kadagiti amin a nangipaay iti donasyon ken tulong kadagiti naapektaran iti panagdayyeg nangruna iti probinsiya ti Abra.

Pinagyamanan na metlaeng ni President Ferdinand Marcos Jr. a nangipaay iti generator sets ken portable rice mill machines para iti 27 a munisipyo ti nadakamat a probinsiya. (DEG-PIA CAR)


About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch