No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DICT-CAR, tiniyak ang suporta sa komunikasyon sa mga lugar na tinamaan ng lindol

BAGUIO CITY (PIA) -- Sinisiguro ng Department of Information and Communications Technology - Cordillera (DICT-CAR) na bukas ang komunikasyon sa mga lugar na apektado sa pagtama ng magnitude 7 na lindol kamakailan.
 
"Inensure natin na talagang open ang communication between agencies and siyempre, sa mga affected individuals din, kailangan din nilang makipag-communicate sa families nila. Lahat ay nagbe-benefit naman po sa tulong natin," sabi ni DICT-CAR information officer Reimon Balan-eg.
 
Bilang lead agency ng Emergency Telecommunications Cluster ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, sinisiguro ng ahensiya na walang magiging problema sa linya ng komunikasyon kapag may sakuna.
 
Ayon kay Janine Lee ng DICT-CAR Disaster Risk Reduction Management  Technical Operations Division, nagpadala sila ng Very Small Aperture Terminal (VSAT) at isang router sa lalawigan ng Abra matapos mag-request ang Abra Provincial DRRM ng backup internet connection.
 
Aniya, sa ngayon ay stable ang estado ng network communication sa lugar at patuloy silang nakabantay katuwang ang Emergency Operations Center.
 
May nakahanda rin umano silang equipment na maaaring ideploy sakaling may humingi ng tulong mula sa DICT-CAR. (JDP/DEG-PIA CAR)

Deployment ng VSAT sa Abra (Photo: DICT-CAR)
(Photo: DICT-CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch