No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Dating DA Sec. Dar, tumanggap ng doctoral degree mula NVSU

Ginawaran ng Doctoral Degree 'Honoris Causa' ng Nueva Vizcaya State University (NVSU) si dating Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar kamakailan. Ito ay iginawad kay Dar dahil sa malaking kontribusyon nito sa agrikultura sa lalawigan at mga tulong nito sa mga programa at proyekto ng NVSU. PIA Photo

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - -  Ginawaran ng Nueva Vizcaya State University (NVSU)  si dating Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ng Doctoral Degree ‘Honoris Causa’ kamakailan dahil sa kontribusyon nito sa agrikultura na pinakikinabangan ng mga Novo Vizcayanos at sambayanang Pilipino.

Tinanggap ito ni Dar sa isang Conferment Program ng NVSU sa Nueva Vizcaya Convention Center na pinangunahan ni Officer-In-Charge Ruth Padilla at Governor Carlos Padilla, kasama ang mga ibang opisyal ng NVSU at provincial government.

Ang pagbibigay ng Doctoral Degree ‘Honoris Causa’ kay Dar ay aprubado ng NVSU Board of Regents dahil sa tulong ng mga programa at proyekto nito sa mga magsasakang Novo Vizcayanos.

Ilan sa mga programa at proyektong bunga ng partnership sa pagitan ng DA at NVSU ay ang  pagpapataas ng Swine Quality Stock sa pamamagitan ng Distribution at Upgrading ng Swine Multiplier Farm, pagtatag bf Viable Enterprise gamit ang Free Range Chicken Production Technology, at ang Upgrading ng Tissue Culture Production Facility ng Triploud Hybrid (abb) Saba Banana Cultivar sa NVSU.

Isinumite rin ng NVSU sa termino ni Dar bilang DA Secretary ang mga sumusunod na project proposals: Philippine Citrus Resources Development Center (PCRDC), Upgrading Fish Cream Soup Facility, Upgrading of the NVSU Food Processing at ang Facility Enhancement of the NV Climate Change Center. (OTB/BME/PIA NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch