No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

NV PLGU, naglunsad ng donation drive para sa Abra quake victims

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Inilunsad ng provincial government kamakailan ang isang donation drive para sa mga Earthquake victims sa Abra.

Ayon kay Provincial Administrator Maybelle Blossom Dumlao-Sevillena, ang “One Nueva Vizcaya for Abra” donation drive ay bukas para sa mga magbibigay ng tulong mula sa pampubliko at pribadong sector ng lipunan.

Ayon pa kay Dumlao-Sevillena, layunin ng  “One Nueva Vizcaya for Abra” donation drive na makalikom ng tulong pinansiyal at material upang maipadala sa Abra at maibigay sa mga nangangailangang biktima ng lindol doon.

“Ito ay sinang-ayunan ni Governor Carlos Padilla bilang pagtulong sa Abra. Kami ay taos-pusong humihiling ng tulong pinansiyal, mga kagamitan, gamot o pagkain mula sa ating mga kapwa Novo Vizcayanos na bukas ang puso at kaisipan at handing tumulong sa ating kapwa Pilipino,” pahayag ni Dumlao-Sevillena.

Dagdag pa nito na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga donasyon o anumang tulong  na iipunin at personal itong dadalhin sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng lindol.

Ang Provincial Administrator’s Office ay maaabot sa Contact Number na 09756333402.(OTB/BME/PIA NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch