LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Pormal nang binuksan ng Kagawaran ng Edukasyon nitong Lunes, Agosto 15, ang Public Assistance and Action Center (PAAC) na tutugon sa mga mga katanungan kaugnay ng pagbabalik-eskwela ngayong SY 2022-2023.
Ayon sa DepEd, maaaring makipag-ugnayan ang publiko sa PACC sa pamamagitan ng mga sumusunod na channels:
Telephone (Area Code: 02)
8636-1663; 8636-7531
8633-1942; 8635-9817
8638-7529; 8634-0222
8638-7530; 8638-8641
Call o Text
0919-456-0027 (SMART)
0995-921-8461 (GLOBE)
Email: depedactioncenter@deped.gov.ph
Pinangunahan ni Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon Sara Z. Duterte kahapon ang paglulunsad ng 2022 Oplan Balik Eskwela upang paghandaan ang pagbubukas ng Taong Panuruan 2022-2023.
Sa temang “Kapit Bisig Para sa Mas Ligtas na Balik-Aral,” ang OBE Public Assistance and Action Center ay tutugon sa mga alalahanin at katanungan ng publiko para sa maayos na pagbubukas ng klase.
Pinasalamatan ni Duterte ang kontribusyon na mga inisyatiba ng partner national government agencies and instrumentalities ng gobyerno, at mga kinatawan ng pribadong sektor para sa kanilang mga hakbang para pagsuporta sa DepEd sa pagbubukas ng in-person classes sa Agosto 22.
Binanggit din ni Pangalawang Kalihim at Chief of Staff Epimaco Densing III ang kahalagahan ng OBE at pagsasama-sama ng mga ahensya para makapagbigay ng serbisyo sa mga education stakeholders.
Inaasahan naman ni Pangalawang Kalihim for Governance and Field Operations and OBE co-chairperson Atty. Revsee Escobedo na ang paglulunsad ng OBE sa gitna ng krisis na pangkalusugan at iba pang mga hamon ay magiging daan upang maulit ang tagumpay sa mga gagawing hakbang para sa edukasyon ng kabataan. (DepEd/PIA-NCR)