LUNGSOD QUEZON (PIA) -- Bubuksan na muli ng Civil Service Commission ang aplikasyon para sa Fire Officer Examination mula ngayong 18 Agosto hanggang 01 Setyembre.
Ang pagtanggap ay gagawing first-come, first-served basis at isasara anumang oras kapag naabot na ng CSC Regional/Field Offices ang target na bilang ng mga aplikante. Gaganapin ang FOE sa darating na 23 Oktubre 2022.
Ang mga interesadong aplikante ay dapat na personal na mag sumite ng kanilang mga aplikasyon sa CSC Regional Office (CSCRO), o sa alinman sa mga kinauukulang Field Office ng CSCRO, kung saan nila nag nanais kumuha ng pagsusulit. Ang kumpletong direktoryo ng mga tanggapan ng CSC sa buong bansa ay makukuha sa website ng CSC, www.csc.gov.ph.
Ang saklaw ng pagsusuri para sa FOE ay pangkalahatang kakayahan (berbal, analytical at numerical) at specialized areas (pagpigil sa sunog, kaligtasan at pag-iwas sa sunog, pagsisiyasat sa sunog, at mga bagay na administratibo).
Para sa mga detalyadong impormasyon para sa kinakailangan sa aplikasyon, mga itinalagang testing center, at iba pang impormasyon, mangyaring basahin nang maigi ang CSC Examination Announcement No. 06, s. 2022 o bisitahin at sundan ang opisyal na Facebook page ng CSC. (PIA-NCR)