No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong gawang Barangay Health Station, itinurnover ng BARMM sa North Cotabato

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)—Magkakaroon na ngayon ng mas maayos na access sa serbisyong pangkalusugan ang mga residente sa Barangay Kitulaan sa bayan ng Carmen sa North Cotabato na bahagi ng Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ito ay matapos itinurnover kamakailan ng Ministry of Health (MOH) ng BARMM ang bagong gawang Barangay Health Station (BHS) sa nasabing bayan.

Ang BHS na nagkakahalaga ng abot sa P2.2 milyon ay pinondohan sa ilalim ng Tiyakap Bangsamoro Kalusugan Program ng MOH.

Sinabi ni MOH officer-in-charge Dr. Zul Qarneyn Abas na ang pamahalaan ng BARMM ay magbibigay ng BHS sa bawat 63 na mga barangay sa clusters ng SGA kabilang dito ang mga bayan ng Pigcawayan, Aleosan, Kabacan, Carmen, Pikit, at Midsayap.

Dagdag pa ni Abas, ang MOH ay maglalagay din ng walong rural health units sa clusters ng SGA, at SGA PhilHealth office na magsisilbing Integrated Provincial Health Office o IPHO. (With reports from BIO-BARMM) 

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch