No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagtugis sa teroristang grupo sa Apayao, nagpapatuloy

APAYAO (PIA) -- Patuloy ang pagtugis ng tropa ng pamahalaan sa mga kasapi ng communist terrorist group (CTG) na una nang nakasagupa ng 98th Infantry Battalion sa Lenneng, Kabugao, Apayao nitong Agosto 18, 2022.
 
Ayon kay 98IB Battalion Commander Lt. Col. Abraham Gallangi Jr., hindi nila sasayangin ang sakripisyo ng dalawa nilang kasamahan na nasawi sa naturang engkwentro.
 
“We will not put into waste the sacrifice rendered by our comrades. We will pursue those members of the Communist Terrorist group to let them pay the consequences of their inhumane actions,” pagtitiyak ni Gallangi.

Ang mga nasawing sundalo ay sina 2Lt. Nasser Dimalanes, 28, tubo ng Maguindanao at Private First Class Jaime Fontanilla Jr, 29, ng Luna, La Union. 
 

Kasalukuyang nagsasagawa ng focused military operations ang 98IB pagkatapos nilang tumanggap ng impormasyon kaugnay sa presensiya ng CTG sa lugar nang makasagupa nila humigit kumulang 30 kasapi ng Kilusang Larangang Guerilla North Abra.
 
 Una nang nakubkob ng militar ang hideouts at food caches ng CTGs sa liblib na pook ng Kabugao at Conner na resulta ng maigting na focused military operations at suporta ng komunidad.
 
Nadiskubre noong Agosto 8 ang kuta ng CTG sa Sitio Malaliang, Katablangan, Conner. Sa patuloy na operasyon ng tropa, nakubkob nila ang isa pang CTG hideout sa Barangay Lenneng, Kabugao noong Agosto 15. Dito nadiskubre ang mga pagkain at iba pang kagamitan ng teroristang grupo.
 
Pagtitiyak ni Gallangi, hindi sila titigil hanggang tuluyang mabuwag ang natitirang CTG sa Hilagang Luzon. (JDP/DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch