No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

7,183 benepisyaryo ng DOLE-TUPAD sa Marinduque, nagsimula na sa serbisyo

BOAC, Marinduque (PIA) -- Nagsimula nang tumupad sa kanilang mga tungkulin bilang mga bagong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced workers o TUPAD ang may 7,183 na indibidwal sa probinsya ng Marinduque.

Sa unang araw ng pagbibigay serbisyo ay nagsagawa ng oryentasyon at paglagda sa kani-kanilang mga kontrata ang mga benepisyaryo na pinangunahan ni Provincial Administrator Michael Vincent Velasco kasama ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) at mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Kasabay nito inatasan ni Gov. Presbitero Velasco Jr. ang mga Tupad worker na maglinis sa mga barangay na kanilang nasasakupan partikular ang mga kanal na maaaring pamugaran ng mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue.

Nag-umpisa na ang pagtatrabaho ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced workers o TUPAD sa iba't ibang barangay sa probinsya ng Marinduque. (Larawan mula sa opisina ni Gov. Presbitero Velasco Jr.)

Pinagtatanim din ang mga benepisyaryo ng puno para maiwasan ang pagguho ng lupa at matinding pagbaha.

Inaasahan din ng gobernador ang mga Tupad workers na gumawa ng 'community garden' para may mapagkukunan ng mga sariwang gulay at prutas ang mga mamamayan sa bawat barangay.

"Batid natin na sa panahon ngayon ay kailangang magkaroon ng alternatibong pagkakakitaan kung kaya’t pinipilit nating makakalap ng pondo upang mailaan sa ating mga kababayan," pahayag ni Gov. Velasco.

Sa ilalim ng Tupad program, nais ng pamahalaang pambayan at panlalawigan na magiging kaisa ang mga benepisyaryo sa kampanya sa pagsulong ng kalinisan sa buong Marinduque sa loob ng sampung araw na kanilang pagtatrabaho. (RAMJR/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch