No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Educational Assistance payout sa Cordillera, matiwasay - DSWD

BAGUIO CITY (PIA) -- Ipinagmalaki ng Department of Social Welfare and Development - Cordillera (DSWD-CAR) na ang rehiyon ang may pinakamatiwasay at pinakamapayapang payout para sa Educational Assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program.

Si DSWD-CAR Leo Quintilla sa isinagawang Orientation on the Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 nitong Agosto 30, 2022. (PIA-CAR)

"We have the most orderly and most peaceful payouts," ani DSWD-CAR Leo Quintilla sa isang pahayag.

Aniya, sa ibang lalawigan ay wala ring gaanong pumila sa isinagawang payout.

Sa August 27 payout, mahigit P9.77 million cash assistance ang ipinamahagi sa 3,517 benepisyaryo sa rehiyon.

Batay sa datos ng DSWD-CAR, 387 ang benepisyaryong nabigyan ng tulong pinansiyal sa Apayao, 597 sa Abra, 291 sa Kalinga, 357 sa Mountain Province, 605 sa Ifugao, 366 sa Benguet, at 914 sa Regional Field Office.

Una nang inanunsyon ng ahensiya na pansamantalang hindi sila tatanggap ng aplikasyon para sa Education Assistance habang nililinis ang listahan upang maiwasan ang duplication. Iaanunsyo ng DSWD-CAR kung kailan nila muling bubuksan ang link para sa registration.

Pinapayuhan ang mga benepisyaryo na nakarehistro na hintayin ang text o tawag mula sa DSWD para sa schedule ng assessment/payout.

Isasagawa ang payout hanggang sa Setyembre 24. (JDP/DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch