No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Batanes, puspusan ang ginagawang paghahanda sa papalapit na Super Typhoon Henry

BASCO, Batanes (PIA) – Puspusan na ang paghahanda ng Provincial Disaster Reduction and Management Council, mga municipal at barangay officials, at mga mamamayan ng Batanes sa paglapit ng Bagyong Henry sa probinsiya.

Sa ating panayam kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Roldan Esdicul sinabi nito na nitong Martes pinulong na sila ni Governor Marilou Cayco kasama ang mga MDRMMOs sa lahat ng bayan ng probinsiya upang paghandaan ang maaring maidulot na epekto ng bagyo sa probinsiya.

 Sa ngayon ayon sa kaniya ay patuloy ang kanilang ginagawang information dissemination sa pamamagitan ng social media at pagba “bandillo” patungkol sa  kilos o galaw ng bagyo at sa mga dapat gawing paghahanda sa papalapit na bagyo.

Aniya bukod sa information dissemination ay naglagay narin sila ng  mga "tapangko" o window shutters sa lahat ng opisina ng gobyerno. 

Nagiikot na rin aniya ang mga barangay official upang tulungan ang mga mamamayan ng probinsiya na maglagay ng mga “tapangko” at tumulong sa pagtatali sa mga bahay na gawa sa light materials.

Sinabi din ni Esdicul na naka-preposition na ang mga family food packs sa bawat munisipyo kung sakaling kakailanganin at nakahanda nadin ang mga evacuation centers kung sakaling magsagawa sila ng preemptive evacuation.

Samantala, sinuspinde na ni Governor Marilou H. Cayco ang pasok sa lahat ng antas, sa mga pambubliko at pribadong paaralan sa buong probinsiya ngayong araw, September 2, 2022 subalit tuloy naman ang pasok sa lahat ng opisina at tanggapan ng Gobyerno.(OTB/ CEB/PIA BATANES)

Family food packs naihatid na sa mga bayan sa probinsiya sakaling kakailanganin ang mga ito dahil sa bagyong Henry
Paglalagay ng window shutters o tapangko bilang paghahanda sa bagyo

About the Author

Christine Barbosa

Job Order

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch