No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Agro-Trade Fair 2022 sa Naujan, pormal ng binuksan

Agro-Trade Fair 2022 sa Naujan, pormal ng binuksan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Pormal ng binuksan sa unang linggo ng Setyembre sa Naujan Town Plaza ang ‘Agro-Trade Fair 2022, Progresibong Naujan, Now Na!’ na pinangunahan ni Mayor Henry Joel Teves kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Patron San Nicolas de Tolentino.

Tampok sa naturang aktibidad na pinangasiwaan ni Municipal Agriculturist, Raquelita Umali ng Municipal Agriculture’s Office ang mga nagga-gandahang booth na puno ng palamuti at makikita sa loob nito ang iba’t-ibang produkto na dinesenyuhan ng bawat barangay na pinamumunuan ng mga punong barangay kasama ang sangguniang barangay.

Ang mga produkto na makikita sa booth ay mga prutas, gulay, mga inuming itinitimpla at marami pang iba.

Sinabi ng punong bayan sa kanyang mensahe, “Handa akong tumulong para sa ikauunlad ng bawat barangay. Kailangan maipakilala at maibenta ang mga produkto na gawa ng ating mga kababayan sa labas ng Naujan at maipagmalaki na ito ay gawa ng isang Naujeño.”

Pinangunahan kamakailan ni Naujan Mayor Henry Joel Teves (kaliwa) at Vice Mayor Great Delos Reyes (kanan naka sombrerong pula) ang ribbon cutting upang pormal na buksan ang Agro-Trade Fair na matatagpuan sa Liwasang Bonifacio Plaza o Naujan Town Plaza. (Larawan kuha ng Naujan PIU-Office of the Mayor)
Ang mga nagga-gandahang booth ng walong distrito ng Naujan na makikita sa Naujan Town Plaza kasabay ng selebrasyon ng kapistahan ng Patron San Nicolas De Tolentino hanggang Setyembre 10. (Larawan kuha ng Naujan PIU-Office of the Mayor)

Samantala, ang Agro-Trade Fair ay bukas hanggang sa araw ng kapistahan ng patron sa Setyembre 10 kung saan ay pararangalan din ang magwawagi bilang best booth ng distrito.

Nakiisa din sa selebrasyon sina Municipal Local Government Operations Office (MLGOO) Head Sylvia Arago, Municipal Administrator Arwin Gayutin at executive Assistant Jojo De Villa, kasama ang iba pang mga pinuno at kawani ng pamahalaang bayan. (DN/PIA-OrMin/Naujan PIU-Office of the Mayor)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch