No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PhilSA sa mga kababayan: abisuhan ang mga awtoridad pag may nakitang rocket debris sa karagatan.

LUNGSOD QUEZON (PIA) - Nananawagan ang Philippine Space Agency o PhilSA  sa mga kababayan sa Hilagang Luzon  na ipagbigay alam sa mga awtoridad kung sakaling may matagpuang mga pira-pirasong bahagi ng isang space rocket sa karagatan. 

Ang panawagan ay kaugnay sa iniulat ng PhilSA sa paglulunsad ng Tsina ng kanilang Long March 7A (CZ-7A) sa kalawakan nitong Martes.

Sa tulong ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), natukoy ang posibleng pagbagsakan (Drop Zone) sa karagatan ng mga bahagi ng rocket:  ang Drop zone 1 na tinatayang  71 kilometro mula sa Burgos, Ilocos Norte at ang Drop zone 2 ay tinatayang 52 kilometro mula sa  Sta. Ana, Cagayan.

Nitong Hulyo, may mga natagpuang pira-pirasong bakal sa karagatan ng Occidental Mindoro  na hinihinalang galing sa Long March 5B rocket na pinalipad ng Tsina. 

Sa pagpapalipad ng rocket, may mga bahagi nito ang naiiwan bago makalabas ng Daigdig at mayroon naman nakakalas sa kalawakan at mahuhulog muli sa planeta kung hindi masusunog sa re-entry o pagbalik. (LP)


Ipinapakita ng isang opisyal ng PhilSA ang isang modelo ng rocket sa isang press conference noong Hulyo. (LP)

About the Author

Lyndon Plantilla

Writer

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch