No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Publiko, pinag-iingat sa pekeng Landbank websites

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Nagbabala ang Landbank of the Philippines (LBP) sa publiko na mag-ingat sa mga scammers.

 

Ayon sa Landbank, ginagamit ng mga scammers ang Google Ads para makapanlinlang ang pekeng LANDBANK site na kanilang ginawa.

 

Paalala ng Landbank sa publiko na maging mas mapanuri sa mga phishing websites na nagpapanggap bilang opisyal na iAccess website. Tignan ang actual Google ads ng mga phishing sites sa ibaba para sa aming tips upang makaiwas sa ganitong uri ng scam.

 

Bumisita lamang sa aming official LANDBANK website (www.landbank.com) at gamitin ang mga URLs doon para sa aming digital banking channels katulad ng official iAccess website. Maaari ring gamitin ang LANDBANK Mobile Banking App (MBA) para sa mas ligtas na transactions.

 

I-report agad ang phishing websites sa LANDBANK Customer Care Hotline: (02) 8-405-7000 o 1-800-10-405-7000 (PLDT Domestic Toll-Free Number) o e-mail: customercare@mail.landbank.com. (LBP/PIA-NCR) 

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch