No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Libre ang senior citizen ID, paalala ng Pasig LGU sa mga nakatatanda

Photos courtesy of Pasig City OSCA FB page

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Muling nagbigay paalala ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig na libre ang pagproseso ng senior citizen ID o membership card.

Gayundin paalala ng pamahalaang lungsod na walang karampatang bayad na ipinapataw sa mga senior citizen bago makatanggap ng mga sumusunod na benepisyo o local financial assistance na pinapangasiwaan ng Pasig City Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA):

- Purchase Booklet

- Cinema Booklet

- Annual Cash Gift

- Local Senior Pension

- Centenarian

- Burial Assistance

- DSWD Social Pension

Libre rin ang APPLICATION FORMS gaya ng:

- Senior ID Application Form

- Landbank Form

- DSWD Social Pension Form

- Local Senior Pension Form

- Centenarian Form

- Burial Assistance Form

Para makapagproseso ng senior citizen ID at anumang financial assistance, magpasa ng kumpletong requirements sa OSCA na nasa Pasig City Hall, GAD Compound. Tanging ang OSCA sa GAD Compound lamang ang nagpo-proseso ng mga aplikasyon para sa senior citizen ID.

Ang membership fees o butaw ay babayaran lamang kung ang senior citizen ay sumali o nagpa-member sa Barangay Senior Associations. Ang mga nakolektang butaw na ito ay ginagamit para sa kanya kanyang programa at activities ng Barangay Senior Associations.

Para sa iba pang impormasyon at anunsyo, bisitahin ang Pasig City OSCA Facebook Page https://www.facebook.com/pasigseniors tungkol sa iba’t ibang programa at aktibidad para sa senior citizens ng Pasig. (Pasig City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch