No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

P10 bilyon inilaan para sa bigas; P1 bilyon para sa mga magsasaka, mangingisda

LUNGSOD QUEZON (PIA) – May inilaan ang Pamahalaan na Php 10.0 bilyon para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) at Php1.0 bilyon para naman pang ayuda sa mga magsasaka at mangingisda sa susunod na taon.

Ang RCEF ay inilaan upang mapabuti pa ang pagiging produktibo ng mga lokal na magsasaka ng bigas at dagdagan ang kanilang kita sa pamamagitan ng pagkakaloob ng makinarya at kagamitan pang bukid at iba pang mga tulong.

Samantala, mayroon din inilaan na Php 1.0 bilyon sa mga magsasaka at mangingisda, ang Php 510.45 milyon dito ay para sa mga magsasaka ng mais, habang ang Php 489.6 milyon ay para sa Fisherfolk.

Ayon sa Department of Budget and Management, nadoble ang badyet para sa taong 2023 para sa sektor ng agrikultura. Ang hakbang na ito ay lubhang mahalaga sa pagkamit ng seguridad sa pagkain na isa sa mga pangunahing layunin ng administrasyong Marcos. (PIA-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Information Officer IV

NCR

Assistant Regional Director of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch