Ang tatlong MPA Cluster Network na aktibo sa ngayon ay ang Calamianes MPA Network na binubuo ng mga MPA sa mga munisipyo ng Coron, Culion, Busuanga at Linapacan na suportado ng USAID/Philippines Fish Right Project at sa pagtutulungan na rin ng mga lokal na pamahalaan ng mga nabanggit na munisipyo at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.
Ikalawa ay ang Northeast MPA Cluster Network na binubuo naman ng mga MPA mula sa mga bayan ng Roxas, Araceli, Dumaran, Taytay at El Nido. Suportado naman ito ng World Wildlife Fund (WWF), kasama rin ang mga pamahalaang lokal at pamahalaang panlalawigan.
Ang ikatlo ay ang Southern Palawan MPA Cluster Network na binubuo din ng mga MPA sa mga munisipyo ng Aborlan, Narra Brooke’s Point, Sofronio Espanola at Bataraza.
Dagdag pa nito na isa ang pagtatatag ng mga MPA sa mga estratehiyang isinasagawa ng mga lokal na pamahalaan sa Palawan upang magkaroon ng seguridad sa pagkain ang bawat Palawenyo.
Hindi naman kasama dito ang mga MPA sa ilalim ng Expanded National Integrated Protected Areas System (ENIPAS), dahil may sarili itong structure, mobility at pondo pero kasama pa rin sila sa Network ng mga MPA sa Probinsiya, dagdag na pahayag ni Dr. Cabungacal.
Kaya upang mapalakas ang mga MPAs sa Palawan, ani Dr. Cabungal, sa isinagawang summit, kasama sa pinag-usapan ang fish sustainability and food security, livelihood, governance of MPA, law enforcement mechanism, partisipasyon ng mga kababaihan at kabataan, community engagement and mobilization.
Kailangan din aniyang magkaroon ng financial sustainability plan at fisheries management plan ang mga MPA na suportado ng mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng approved annual investment plan.
Para naman aniya sa mga MPAs na pasok sa mga tourism area, dapat ang mga ito ay mayroong biodiversity friendly enterprise na maaring maging eco-tourism na mag-gi-generate ng kita mula sa user fee ng mga pumupunta sa mga MPA at iyon ang nagagamit sa operasyon ng mga MPA.
Ang pagtatatag ng mga MPA ay sa pamamagitan ng ordinansang ipinapasa ng bawat munisipyo.
Ang isinagawang MPA Summit sa lungsod ay nagbigay ng mga update sa sustainable management ng fishery resources sa Palawan partikular sa loob ng mga marine protected area.
Ito ang ikalawang pagkakataon na isinagawa ang nasabing pagtitipin sa lalawigan sa pamamagitan ng Office of the Provincial agriculturist sa ilalim ng Coastal and Marin Resources Management Program.
2019 pa unang isinagawa ito sa lalawigan sa bisa ng Executive Order No. 75. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)