No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan lalong pinalalakas ng PRO-BARMM

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)--Lalong pang pinalalakas ng Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM) ang mga hakbang nito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga lugar na nakapaloob sa BARMM.

Sa programang Talakayang Dose ng Philippine Information Agency Region 12, sinabi ni PRO-BARMM Acting Regional Director PBGen. John Guyguyon na ang kanilang mga isinasagawang aktibidad ay naka-angkla sa peace and security framework ng Philippine National Police (PNP) na tinawag na “MKK=K" o "Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran”.

“Ang ating butihing chief PNP si PGEN Rodolfo Azurin Jr. ay naglatag ng kanyang programa na magandang sundan ng ating lower units like our regional offices down to our provincial and municipal police stations which is the ‘MKK=K’ or ito yung Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran,” sinabi ni Guyguyon.

Dagdag pa rito, isa rin sa mga programa na tinututukan ng PRO-BARMM ay ang pagpapatupad ng KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan na naglalayong bigyang-diin ang kahalagahan ng papel ng kapulisan, simbahan, at komunidad tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Sa ilalim ng nasabing programa, ang kapulisan at simbahan ay magtutulungan sa pagpapaigting ng police-community relations sa pamamagitan ng mga pulong-pulong sa barangay, seminar at iba pang advocacy drive.

Samantala, binigyang-diin din ni Guyguyon ang kahalagahan ng aktibong kooperasyon at pakikipagtulungan ng mga residente upang makamit ang pangpamatagalang kapayapaan sa komunidad. (LTB/PIA-XII)


About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch