No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

3 pamilya nakinabang sa ‘Share-a-Meal’ program ng kapulisan sa Puerto Galera

Pinangunahan ni PCpt Ria Rosaroso (nakatayo sa dulong kanan), hepe ng Tourist Police Unit sa Puerto Galera ang pagpapakain sa pamilya ni Melodina Obtenalia (dulong kaliwa) kasama ang apo at anak na lalaki na residente ng Brgy. Tabinay bilang benepisyaryo ng Share-a-Meal program ng kapulisan. (Larawan kuha ng Tourist Police Unit – Puerto Galera)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Kamakailan ay isinagawa ng Puerto Galera Tourist Police Unit (TPU) ang programang Share-a-Meal sa tatlong pamilya na benepisyaryo na magsasalo-salo sa hapag kainan na niluto at inihanda ng mga pulis.

Pinangunahan ni TPU Chief, PCpt Ria Rosaroso ang pagpunta sa bahay ni Melodina Obtenalia, isang labandera, may anak na lalaki na namamasada ng tricycle at may isang anak sa barangay Balatero ng nasabing bayan bitbit ang mga pinamiling pagkain na siya nilang lulutin at ipapakain sa pamilya.

Ganito din ang isinagawa ng mga pulis sa pamilya ni Analiza Bautista na may kapansanan sa pandinig at pamilya ni Emelda Soriano, 72 anyos na kapwa naninirahan sa Brgy. Tabinay na siyang ikinatuwa ng mga pamilya nila upang ipakita na ang pulis ay handang tumulong, maglingkod at mapagkakatiwalaan bilang bahagi ng ahensiya ng pamahalaan.

Kasamang nabiyayaan ng programang Share-a-Meal ng kapulisan ang pamilya ni Analiza Bautista (kaliwang larawan) at Emelda Soriano (kanang larawan) na kapwa naninirahan sa Brgy. Tabinay Puerto Galera. (Larawan kuha ng Tourist Police Unit – Puerto Galera)

“Ito ang aming Best Practice,” ani Rosaroso, “sinimulan ito ng dating hepe ng TPU na si PMaj Jeralyn Caluza noong 2020 na kung saan ay umabot na sa 153 pamilya ang nabenepisyuhan nitong programa at amin itong ipinagpapatuloy hanggang sa ngayon,” pagtatapos na pahayag ng opisyal. (DN/PIA-OrMin)


About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch