No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Alamin kung paano makasisigurong ligtas ang inuming tubig matapos ang sakuna

File photo

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Ngayong panahon ng tag-ulan, mahalagang ingatan natin ang ating kalusugan laban sa mga sakit gaya ng ubo, sipon, lagnat, leptospirosis lalo na’t patuloy tayong humaharap sa pandemya dulot ng COVID-19.

Isa sa mahalaga sa ating kalusugan ay ang pag-inom ng malinis na tubig. Payo ng Department of Health (DOH), mahalagang sigurihin na ligtas at malinis ang ating inuming tubig lalo na pagkatapos ng bagyo, pagbaha o pagguho ng lupa.

Ayon sa DOH, ang tubig na galing sa gripo ay maaaring may dalang mga mikrobyo matapos ang mga halintulad na sakuna.

Isa sa mabisang paraan upang masiguro na ligtas at malinis ang inumin ay ang pagpapakulo nito sa loob ng isang minuto at palamigin bago isalin sa lalagyan.

Tandaan, ayon sa DOH, mahalagang maging handa kahit pagkatapos ng sakuna! (DOH/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch