No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit 100 pensioners, nakisaya sa SSS Pensioners Day

LUNGSOD NG BATANGAS(PIA)—Isinagawa ng Social Security System South Luzon 2 Division ang SSS Pensioners Day sa Batangas Coliseum sa lungsod na ito noong ika-21 ng Setyembre.

Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-65 taong anibersaryo ng ahensya at layon nitong mabigyan ng isang araw na kasiyahan ang mga pensioenrs sa pamamagitan ng mga libreng serbisyo at mga freebies mula sa mga partner stakeholders.

Ayon kay Francisco Paquito Lescano, Acting Vice President ng SSS South Luzon 2, simultaneous na ginagawa ang naturang aktibidad na ginagawa hindi lamang sa Batangas kundi sa buong Pilipinas.

“Ang araw na ito ay para sa ating mga pensioners kaya’t bukod sa serbisyong maibibigay ng SSS, mayroon ding mga organisasyon na nakipagtuwang sa amin tulad ng Batangas Lions Club, Food Sphere Inc., Zynergia Health  and Wellness, Uni-GFreen Inc., Kalbe International Ptd. Philippine at mga individual sponsors, magiging masaya ang araw ba ito para sa ating mga pensioners,” ani Lescano.

May mga ipinamahaging libreng wheel chair, tungkod at saklay. Mayroon ding libreng diabetes screening, libreng kape, iopao at masahe para sa mga dumalo.

Mayroon ding booth para sa SSS Pension Loan Program kung saan maaaring makipag-ugnayan ang mga pensioner na nais mag-avail ng programang ito.

Nakadagdag sa kasiyahan ng mga pensioners ang raffle at mga libreng pagkain na ipinamahagi  sa kanila. (MDC/PIA-BATANGAS)

About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch