No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

400 na residente ng Romblon, nakatanggap ng ayuda mula kay Sen. Go

May 400 na residente ng Alcantara, Santa Maria, Looc at Romblon ang nabigyan ng ayuda ng opisina ni Sen. Bong Go mula September 26 hanggang 27. (Larawan mula sa Alcantara PIO)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- May 400 na residente ng Alcantara, Santa Maria, Looc at Romblon ang nabigyan ng ayuda ng opisina ni Sen. Bong Go mula September 26 hanggang 27.

Nabigyan sila ng masks at pagkain. May ilang nabigyan rin ng computer tables at mga bagong sapatos.

Maliban sa kanila, may ilang maliliit na negosyante ang nakatanggap rin ng ayuda sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD na pinondohan ng opisina ni Go.

Sa isang mensahe, sinabi ni Go na mahalaga ang mga micro, small and medium enterprises sa bansa dahil nakakatulong sila sa mga maliliit na Pilipino kahit maliit lang ang kanilang puhunan.

“Malaking bahagi ng ekonomiya ang mga MSMEs. Habang tumatagal ang COVID-19 situation sa bansa, kailangang suportahan ng gobyerno ang kanilang kapakanan para buhayin ang mga maliliit na negosyo at maiahon ang mga empleyado mula sa krisis na ito,” saad ni Go.

"Importante ang suporta na ito para mapagaan ang pinapasan nila. Kung gusto nating mabilis na manumbalik ang sigla ng ekonomiya, kailangan nating tulungan ang mga maliliit na negosyante na makabangon din," dagdag pa nito.

Ayon sa opisina ni Go, para masigurong naipatutupad ang tamang health protocols kontra Covid-19, ginawang per batch ang pagbibigay ng ayuda. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch