No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

CWC naglaan ng P651-M sa pagpapaunlad ng panubig sa Camiguin

CAMIGUIN (PIA)--Upang mabigyan ng mabisa, ligtas, at pantay-pantay na distribusyon ng suplay ng tubig sa Camgiuin, ang Camiguin Water Company o CWC ay namuhunan ng P651 million para sa pagpapalit, pag-aayos, at pagmimintina ng mga pasilidad sa probinsya. 

Ayon kay Danvir Mark Farnazo, general manager ng CWC, ang magkakahiwalay at pira-pirasong serbisyo na ibinibigay ng iba't ibang water service providers ay naging sanhi ng hindi pantay na pamamahagi ng tubig sa Camiguin. 

"Kami sa Camiguin Water Camiguin naghandom mi nga mag-improve ang serbisyong panubig diri sa tibuok isla sa Camiguin. So ang main benefactor sa among P651 million nga investment mao ang atoang mga partners, si CIWASCO ug mga Barangay Waterworks. Apil diri sa amoang P651 million nga investment mao ang maayong pagdumala sa mga pasilidad ug paghatag sa water connection sa matag balay nga muabot og 21,916 households by 2051," saad ni Farnazo.

(Kami sa Camiguin Water Company ay naglalayong mapabuti ang serbisyong panubig dito sa buong isla ng Camiguin. Ang pangunahing benefactor ng aming P651 million na investment ay ang mga partners namin, ang CIWASCO at Barangay Waterworks. Kasama na sa P651 milllion na investment ang magandang pamamahala ng mga pasilidad at pagbibigay ng koneksyon ng tubig sa 21,916 na sambahayan sa taong 2051)

Malaki naman ang pasasalamat ni Gob. Xavier Jesus Romualdo sa CWC sa hangarin nitong mapabuti ang serbisyong panubig na maaaring pakinabangan ng marami pang henerasyon sa probinsya. Hinikayat din niya ang mga opisyales na unahin ang pagpapaunlang ng panubig sa kanilang mga barangay. 

"Pasalamat gyud mi sa Camiguin Water Company sa Blue Hydro, wala gyud nibiya grabe gyud ang ilang commitment ug paggugma sa Camiguin nga despite sa obstacles, babag nga ilang na-experience nagpadayon gyud sila, nagpabilin gyud ilang commitment sa probinsya nga ayuhon ang atong panubig," saad ni Romualdo.

(Malaki ang pasasalamat namin sa Camiguin Water Company sa Blue Hydro na hindi kami iniwan at matindi ang komitment at pagmamahal sa Camiguin na kahit pa sa mga naranasang balakid, nanatili ang kanilang pangako sa probinsya na aayusin ang ating panubig)

Inanunsyo din ng CWC ang taripa ng buwanang kabayaran ng mga sambahayan na aabot ng P17.55 per cubic meter o P175 minimum rate ng tubig at P622.50 naman ang minimum rate sa mga commercial at industrial users. (RTP/PIA-10/Camiguin)

Ang Camiguin Water Company o CWC ay namuhunan ng P651 million para sa pagpapalit, pag-aayos, at pagmimintina ng mga pasiliadad sa probinsya. (RTP/PIA-10/Camiguin)

About the Author

Recthie Paculba

Regional Editor

Region 10

Camiguin Information Center Manager 

Feedback / Comment

Get in touch