No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DOT Mimaropa, nagsagawa ng familiarization tour sa Romblon

Nagkaroon ng Business-to-Business Matching ang AirSWIFT para sa iba't ibang private stakeholders sa probinsya. (PJF)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Kasabay nang pagbubukas ng biyahe ng eroplano sa Romblon ay nagsagawa ng Familiarization Tour sa probinsya ang Department of Tourism (DOT) MIMAROPA katuwang ang Romblon Provincial Tourism Office nitong September 25 hanggang 27.

Dito ay inikot sa iba't ibang sikat na pasyalan sa probinsya ang mga bisita mula sa DOT Mimaropa kasama ang mga kinatawan ng Philippine Tour Operators Association (PHILTOA), Philippine Travel Agency Association (PTAA), travel and tour operators mula sa NCR, at ilang mga content creators.

Bahagi rin ng 4-day familiarization tour ay ang pagkakaroon rin ng Business-to-Business Matching para sa AirSWIFT at iba't ibang private stakeholders sa probinsya.

Ayon sa DOT Mimaropa, nagpresenta rin ng mga plano para sa turismo ng probinsya si Sandi Rodenas ng Romblon Provincial Tourism Office kagaya ng pag-tutok nila sa market development at promotions.

Nagbahagi rin ng mga suhestiyon at kuro-kuro ang mga dumalo kung ano pa ang dapat pag-igihin ng probinsya para mas mapalago ang turismo rito. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch