No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit 1K na kawani ng gobyerno sa Ilocos Norte, pinarangalan ng CSC

LUNGSOD NG LAOAG (PIA) – Mahigit 1,000 kawani ng gobyerno sa Ilocos Norte ang pinarangalan ng Civil Service Commission (CSC) bilang bahagi ng ika-122nd Philippine Civil Service Anniversary.
 
Isinagawa ang 2022 Length of Service Awarding Rites sa lungsod ng Laoag kung saan binigyang parangal ang mga empleyado na may 15, 25, 30, at 40 taong serbisyo sa kanilang mga opisina at ahensya ng gobyerno.
 
Kabilang sa mga pinarangalan ang mga manggagawa ng mga local government units at national government agencies.
 

Mahigit 1,000 manggagawa ng gobyerno sa Ilocos Norte ang binigyang parangal sa kanilang tagal ng serbisyo sa gobyerno. (EJFG, PIA Ilocos Norte)
Mga manggagawa ng gobyerno ang pinarangalan sa 2022 CSC Length of Service Awarding Rites sa Ilocos Norte. (EJFG, PIA Ilocos Norte)

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni CSC Ilocos regional director Hedy Jose Lardizabal ang mga manggagawa ng gobyerno sa kanilang patuloy na serbisyo sa kani-kanilang mga opisina.
 
“Very important ang event na ito to recognize the love, devotion, and commitment of all government employees who have practically given everything they have in the name of public service. Regardless, whether it is 15 years or 20 years, cumulatively, this is one way of saying we thank them for being always there and serving the public,” ani Lardizabal.

"To recognize the love, devotion, and commitment of all government employees," heto ang pahayag ni CSC Ilocos regional director Hedy Jose Lardizabal sa kanyang mensahe sa 2022 Length of Service Awarding Rites. (EJFG, PIA Ilocos Norte)

Sa panayam kay Atty. Rex Ami, ang provincial director ng CSC-Ilocos Norte, kanyang inihayag na inaasahan niyang makapag-bibigay ng inspirasyon ang pagkilalang ito upang ipagpatuloy nila ang pagtupad sa kani-kanilang mandato sa kanilang mga opisina.
 
Bukod sa awarding, nanumpa rin sa pwesto ang bagong set ng Certified Human Resource Management Professionals (CHRMP)-Ilocos Norte Chapter, na pinangunahan ni Ms. Felicar Alba-Ancheta, presidente ng organisasyon.
 
“This is not just an ordinary awarding ceremony, this is a tradition, a very meaningful one that every government worker looks forward to whenever they reach quintuple years of service from 15 aggregate years,” ani Ancheta. (JCR/AMB/EJFG/PIA Ilocos Norte)

Nanumpa sa pwesto ang mga bagong opisyal ng Certified Human Resource Management Professionals (CHRMP) Ilocos Norte Chapter na pinangunahan ni Ms. Felicar Alba-Ancheta. (EJFG, PIA Ilocos Norte)

About the Author

Emma Joyce Guillermo

Information Officer 1

Region 1

Feedback / Comment

Get in touch