No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tuguegarao City Mayor naghayag ng State of the City Address para sa kaniyang 1st 100 days

TUGUEGARAO City, Cagayan (PIA) - - Inihayag ni Mayor Maila Ting-Que ang ‘state of the city address’  matapos ang 100 na araw mula noong siya ay maupo bilang kauna-unahang babaeng alkalde sa kasaysayan ng lungsod na ito na ginanap sa Tuguegarao City Hall, nitong Oktubre 14, 2022.

Sa pamamagitan ng isang talumpati, inisa-isa ng alkalde ang mga nagawa na, kabilang ang mga na-plano, ng kaniyang administrasyon sa ilalim ng kanyang tinatawag na holistic, inclusive, and participative governance, kung saan kasama ng pamahalaan ang iba’t ibang sektor sa pagpapatakbo at pagpapabuti ng siyudad.

Kasabay din ng talumpati ng akalde ang oath-taking ng mga dating contractual employees bilang permanenteng kawani ng pamahalaang panglunsod, at ang pamamahagi ng NegoBikes sa mga identified na beneficiaries.

Kasabay din ng talumpati ng akalde ang oath-taking ng mga dating contractual employees bilang permanenteng kawani ng pamahalaang panglunsod. Ilan sa mga ito ay maraming taon nang naninilbihan bilang kontraktwal.

ANg sumunsunod ay ang ilang sipi sa talumpati ni Mayor Ting-Que na naglalaman ng mga importanteng punto na kanyang binanggit.

  1. “Una, sa financial management at public accountability, sinigurado natin na ang procurement process ay bukas para sa lahat ng mga nais mag-alok ng serbisyo at produkto sa Pamahalaang Panlungsod. Walang kakilala, walang SOP, walang bahid ng korapsyon. Pinagbubuti natin ang financial housekeeping dahil naniniwala tayo na dapat hindi sinasayang ang pondo ng gobyerno na galing sa buwis na binabayaran ng mamamayan.”
  2. “Upang masiguro na ang mga assets ng gobyerno ay hindi ginagamit sa maling paraan, ipinag-utos natin sa General Services Office ang paglalagay ng official stickers sa mga service vehicles, heavy equipment, at iba pang kagamitan ng Pamahalaang Panlungsod. Sa pamamagitan nito, mas napaigting ang accountability dahil mairereport agad at makikilala ng tao kung ang mga kagamitan ng Pamahalaang Panlungsod ay ginagamit sa mga unauthorized and unofficial transactions.”
  3. “Tayo ay nalulungkot dahil sa halos lingo-linggong Audit Observation Memorandum at Notice of Disallowance mula sa mga transaction ng nakaraang administrasyon. Kasama pa rito ang mga utang at obligasyon mula sa mga pribadong negosyo na hindi binayaran. Unti-unti na po nating inaaral ang mga nagging transaksyon at obligasyon ng Pamahalaang Panlunsod. Makakaasa kayo na hindi tayo titigil upang masiguro ang accountability at transparency sa Lungsod ng Tuguegarao.”
  4. “Nakapanlulumo ko ring inuulat sa inyo na ang accreditation ng Tuguegarao City People’s General Hospital ay maaaring maalis. Ito ay dahil sa mga naging kakulangan sa aksyon noon, tayo ay napatawan ng milyon-milyong penalty na maaaring umabot sa Php 25.7 Million at tuluyang pagkansela ng accreditation ng hospital na magdudulot ng panibagong paghihirap sa ating mga kababayan. Kamakailan lamang, tayo ay napilitang umapela sa PhilHealth Board at magbayad ng  P3 milyon na bond upang humingi ng konsiderasyon patungkol sa isa sa mga administrative cases. Sa halip na ibigay ang serbisyo para sa mga mahihirap na Tuguegaraoeno ay kailangan nating gumastos ng malaking halaga dahil lamang sa korapsyon at pagiging makasarili ng ilang empleyado at kanilang mga kasabwat. Ngunit huwag po kayong mag-alala, hindi titigil ang ating City Legal Office na habulin ang mga dapat kasuhan at bantayan ang mga kasong napabayaan. Upang masigurong mananagot sa batas ang mga nagkasala, nag-alok tayo ng P100,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon hingil sa kinaroroonan ng accused at large.”
  5. “Halos isang taon ding nakiusap ang mga miyembro ng Senior Citizens Federation ukol sa nawawalang Mutual or Death Aid Fund. Pagkaupo po natin, nakipagpulong tayo agad sa mga pinuno ng federation at tinulungan silang lumapit sa National Bureau of Investigation upang maimbistegahan at masampahan ng kaso ang mga sangkot dito.”
  6. “Sa kabila ng lahat nang negatibong pangyayaring ito, masaya kong ibinabalita sa inyo na kumpara sa parehong period noong nakaraang tao ay tumaas ng 26% ang ating revenue collection. Ito ay dahil sa masinop na pamamahala ng ating mga kawani sa City Treasury at Business Permits and Licensing Office.”
  7. “Kung noon ay pahirapan ang pagtransact sa mga gasolinahan dahil sa government regulations, isinaayos na natin ang systema sa pamamagitan ng pag-avail ng fleet card para mamonitor ang gasoline allocation at wastong paggamit nito ng bawat opisina at mai-streamline ang proseso maging sa pagbayad dito.”
  8. “Sa aspeto ng social protection at gender sensitivity, bumuo tayo ng mga sectoral advisory councils upang maging katuwang ng ating Pamahalaang Panlungsod sa pagbuo ng mga polisiya at pagpapatupad ng mga program at proyekto. Kasalukuyan din tayong nakikipag-uganayan sa national government at other stakeholders upang makapaglungsad ng mga proyekto tulad ng Youth at GAD center. We have instituted innovations especially on the protection of children and the marginalized sectors. With our registered social workers and PDAO, we have provided the necessary assistance to our differently abled constituents. Sa darating na mga buwan, magsasagawa din tayo ng mga paralegal trainings upang mas bigyang kaalaman ang mamamayan sa mga batas tulad ng Anti-VAWC Law, Safe Spaces Act at iba pa.”
  9. “Noong September 16, 2022, nagsimula na din tayo sa BAHAYANIHAN, isang programa na naglalayong bigyan ng disente at resilient na tahanan ang ating economically disadvantaged na mga kababayan. Sa tulong ng Philippine Chinese Chamber of Commerce, barangay, PNP, AFP, at volunteers, kasalukuyan na nating itinatayo ang unang Bahayanihan House sa Linao East. Kasalukuyan din tayong nakikipag-uganayan sa Robinsons Corporation, SM Malls Foundation, at key shelter agencies tulad ng DHSUD at NHA, upang makapagpatupad ng iba pang socialized housing at poverty alleviation programs.”
  10. “Kaagapay din natin ang mga civil society organizations sa pagpaplano para sa kinabukasan ng ating lungsod. Sa kauna-unahang pagkakataon nabigyan sila ng karapatang magsalita, makipagdiskurso, at makasama sa pagdesisyon sa mga programang nais nilang maging prayoridad sa City Development Council. Ngayon lang din po nakasama ang mga Barangay Captains sa pagbuo ng Executive and Legislative Agenda. Ito po ay parte ng holistic, inclusive, at participative governance na aming ipinangako sa inyo.”
  11. “Sa disaster preparedness and emergency response, pinaghuhusay pa natin ang serbisyo ng ating 24/7 Rescue Team at CDRRMO. Palagian din tayong sumusunod sa LISTO Protocols ng DILG at nagsasagawa ng preparedness measures at evacuation procedures upang maiwasan ang pagkawala ng buhay sa panahon ng sakuna. Sa kabila ng panlalait at pangungutya, ang ating rescuers ay nagpapakita ng kabayanihan at kahusayan sa kanilang gawain. Ito ay mapapatunayan sa nakaraang mga bagyo kung saan kahit naging malawak ang pinsala sa ari-arian lalo na sa agrikultura, sa awa ng poong lumikha, walang nasawi o lubhang nasaktan. Maagap din tayo sa pagresponde sa emergency situations. Itinalaga natin ang mga bagong hotlines ng mga Quick Response Teams, Command Center, at CDRRMO upang ang mga panawagan ng mamamayan ay agad matugunan.”
  12. “Katuwang natin ang Philippine Red Cross, Coast Guard, BFP at PNP sa mga pagsasanay tulad ng Water Search and Rescue training.”
  13. “Tayo rin ay maagang naghahanda sa mga kalamidad. Sa katunayan, noong nanalasa ang Typhoon Karding, iniulat mismo kay Pangulong Ferdinand “Bong-bong” Marcos, Jr. ang paghahanda ng lungsod. Atin ding pinapasalamatan ang mga masisipag na empleyado ng City Social Welfare and Development Office at iba pang volunteers na buong araw hanggang gabi kung magrepack ng relief goods. Upang maging mas kapaki-pakinabang ang storage ng ating relief goods, sa halip na plastic bag, tayo ay gumamit ng mga E-Balde na naglalaman din ng food at non-food items para sa mga evacuees at iba pang nasalanta ng sakuna.”
  14. “Inilunsad rin natin ang TUGYV FERST program, upang matutunan ng bawat batang Tuguegaraoeño maging handa sa anumang sakuna. Sa pagsasanay na ito, tinituruan ang mga elementary students sa basic first aid and life saving protocols. Dapat magsimula ng tama. Naniniwala tayo na sa kanilang murang edad, dapat handa ang mga mag-aaral to any eventuality. They should equip themselves to help others when the call of times and circumstances require. Ang ganitong skills ang magsasalba di lamang ng kanilang buhay kundi pati ng kanilang mga kasama at kamag-aral.  Umpisa lamang po ito, susunod ang ibang mag-aaral sa nakatataas na antas, maging mga barangay officials at iba pang sektor ng lipunan. Everyone will soon know basic first aid techniques and disaster preparedness measures.”
  15. “Sa usapin ng peace and order and public safety, nagpapasalamat tayo sa PNP at DILG sa pagtatalaga ng napakasipag na Chief of Police sa katauhan ni PCol. Richard Gatan. Nagpapasalamat din tayo sa dedikasyon ng ating city police force. Sa kanilang liderato, mas napagtibay ang police visibility. Sa panahong muli nanamang pumapasok at ating mga mag-aaral, napakahalaga na ang kanilang mga ‘Manong’ at ‘Manang’ pulis ay visible at handang umagapay sa kanila.
  16. “Kinikilala po natin ang pagsubok dala ng traffic sa lungsod, na isang perennial problem. Matapos ang mahigit dalawang taon, halos 100% na ng ating population ang maaaring lumabas. Kaya naman, mas tumaas din ang volume ng mga sasakyan na isa sa mga sanhi ng pagbigat ng trapiko. Makakaasa po kayo na patuloy nating gagawan ng paraan ang usaping ito, kasama na po ang pakikipagpulong sa mga eksperto at stakeholders upang magkaroon ng holistic approach at strategy-based solution ang ating problema sa traffic. We are in the process of studying having our own LGU managed central terminal and formulating an odd-even scheme for private vehicles.”
  17. “We have also strengthened the road clearing initiatives. Patuloy din ang pagsasaayos natin ng Tuguegarao City Commercial Center. Layunin natin na mapaluwag ang mga daan upang mas maging kaaya-aya sa mga mamimili. Huwag mag-alala ang mga vendors, hindi naming kayo pababayaan. Aayusin natin ang Tuguegarao City Commercial Center para mabigyan kayo ng maayos na pwesto at makapagnegosyo ng maayos. Makakasiguro kayo na hindi namin hahayaan na magkaroon ng extortion activities sa ating mga pamilihan.”
  18. “Sa pakikipagtulungan sa Rotary Club of Tuguegarao, itinatag natin ang TODA Action Center upang bigyang pansin ang mga hinaing ng mga tricycle drivers at commuters. Papanagutin natin ang mga abusado at kikilalanin naman ang mabubuti. Mas marami pa din sa ating mga tricycle drivers ang mahusay at matapat. Ngayong araw, paparangalan natin sila bilang tanda ng ating pasasalamat sa kanilang kabutihan at kahusayan. Sa pangunguna ng Tricycle Regulatory Unit, nagawa natin ang Tricycle One Stop Shop upang mas mapabilis at maisaayos ang proseso ng renewal ng tricycle franchise at permit.”
  19. “Bilang bahagi rin ng ating environmental protection strategy, sinisikap nating tuluyan nang maisaayos ang Balzain-Caritan Creek. Sa pakikipagtulungan sa Provincial Government, uniformed personnel, at volunteers, ating isinasaayos ang creek at tinatanggal ang mga water lilies na humaharang sa outflow ng tubig. Makakatulong din ito upang maiwasan ang agarang pagtaas ng tubig sa nasabing lugar. Nakikipag-ugnayan din tayo sa ibang grupo at organisasyon sa livelihood program na maaaring magawa out of the waterlilies.”
  20. “Patuloy din ang paghahanap natin ng mas effective at efficient na garbage collection. Simula noong nakaraang buwan, inilipat na natin ang collection ng basura sa gabi. Ito ay upang masiguro na hindi makakasagabal sa daloy ng trapiko ang mga garbage trucks na nangongolekta ng basura sa ating roads at high ways at upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng ating mga garbage collectors. Prinotektahan natin ang kanilang dignidad at kapakanan sa pamamagitan ng pagtaas ng kanilang sweldo at benepisyo. Minana din natin ang problema sa Sanitary Landfill na sa ngayon, ay unti-unti nang naaabot ang maximum capacity. Tayo po ay nasa proseso na ng pagbili ng karagdagang lupa at equipment, tulad ng 15 garbage trucks, one backhoe, at one buldozer, upang matugunan ang problema sa waste management. Tayo ay nagpapasalamat din sa Provincial Government sa pagtugon sa atin kahilingan ng dalawang karagdagang dump truck.”
  21. “Sa bisa ng Executive Order No. 14-A series of 2022, ipinag-utos ng inyong lingkod ang pagsasagawa ng regular clean-up drives tuwing ikalawa at huling Sabado ng buwan. Ito ay upang masiguro ang kaayusan at kalinisan lalo na sa panahon na talamak ang kaso ng dengue at COVID-19. Tuloy-tuloy din ang declogging activities sa ating mga drainage system sa lungsod.”
  22. “Gayundin, simula ng maupo tayo sa puwesto, 1187 seedlings na ng puno ang naitanim katuwang ang pribadong sector, mga paaralan, ahensya ng pamahalaan, at mga Civil Society Organizations.”
  23. “Hindi natin pinabayaan ang animal welfare. Ilulunsad na ang pilot barangay-based animal shelter. Nakabuo na din tayo ng isang team na huhuli sa mga stray animals upang siguraduhin ang kaligtasan ng tao at hayop.”
  24. “Patuloy nating pinagtitibay ang educational sustainability sa lungsod. Nangako po tayo noon na ang gobyerno ay hindi magiging mabagal sa pagbibigay sa inyo ng serbisyo. Napakahalaga ng edukasyon para sa akin dahil ito rin ang isa sa mga bagay na malapit sa puso ng aking mahal na Ama. Kaya agad nating binigay ang pondo ng Brigada Eskwela upang paghandaan ang pagbubukas ng klase ng mga estudyante. Bilang tugon din sa pangangailangan ng mga mag-aaral, nagdistribute tayo ng 1,634 na upuan sa iba’t-ibang paaralan sa lungsod. Ito ay upang masiguro na mas magiging maayos ang kanilang kalagayan habang nasa paaralan. Maipagmamalaki ko pong sabihin na dahil sa maayos na procurement transaction, nakatipid ang Pamahalaang Panlungsod ng malaking halaga na hindi nasasakripisyo ang kalidad ng serbisyo at produkto. Sa ngayon, nabigyan din natin ang lahat ng paaralan ng tig-isang utility worker upang makatulong sa kaayusan ng mga silid-aralan. Tumaas din ang bilang ng LGU-hired teachers from 29 to 77, at naihanda na ang pagsasaayos ng ilang mga sirang school facilities.”
  25. “Tayo rin ay may kinahaharap na hamon sa edukasyon, partikular sa lupa ng mga paaralan na may kaso o adverse claims. Makakaasa kayo na hindi namin tutulugan ang usaping ito. We will closely coordinate with the Department of Education to resolve any dispute pertaining to the school lots.”
  26. “Nagsisimula na rin ang ating consultation para sa pagtatatag ng Tuguegarao City College. Ang ating pangarap, sa susunod na mga taon, wala nang kabataang Tuguegaraoeno ang hindi makapag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Matatag pa rin ang ating paniniwala na ‘Education is the greatest equalizer’. Kaya bilang isang pamahalaan, tungkulin natin na siguraduhin na lahat ng nagnanais at nagsusumikap mag-aral ay mabibigyan ng pagkakataon na maabot ang kanilang minimithi.”
  27. “Sa pagpapayabong ng ating kultura at turismo, malugod ko pong ibinabalita na tayo ay gumagawa na ng mga hakbang upang muling ibalik ang sigla ng Ibanag language sa ating bagong henerasyon. The Schools Division Office has made Fridays an Ibanag-Itawes speaking day at schools. We have formed a diversified group of experts, both from the older and younger generations, to constitute our Tuguegarao Ibanag Council for Culture and the Arts. Nitong October 10, 2022, nagpulong ang Technical Working Group, sa pangunguna ni Father Ranhilio C. Aquino, para sa gaganaping cultural presentations. Nakikipag-coordinate na din tayo sa United Architects Association of the Philippines para sa itatayong Tuguegarao Cultural Center. Sa mga programang ito, umaasa tayo na muling sisigla ang Ibanag language. Kasabay ng pag-usbong muli ng tourism industry, patuloy din ang ating pagsali sa mga trade and tourism expo upang maipakita ang angking ganda ng ating kultura at tradisyon.”
  28. “Nagagalak din tayong ipakita ang ating kultura at talent sa mga bisita mula sa ibayong dagat. Sa diplomatic visit ng Australian Embassy officials, nabigyan tayo ng pagkakataong ipakita sa kanila ang katangian at pagiging hospitable ng mga Tuguegaraoeno na kanila namang ikinasaya. Kaya naman ipinangako rin nila na makikipagtulungan sa ating Pamahalaang Panlungsod para sa ikauunlad ng mga Tuguegarao, kasama na ang commitment na bibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng scholarship sa Australia ang ating mga kababayan.”
  29. “Sa usapin ng public health at COVID-19 response, binalanse natin ang pagpapababa ng COVID-19 cases at ang ekonomiya. Under our new policies in Tuguegarao City, massive lockdown or city-wide quarantine is no longer observed. We believe that a large scale quarantine defeats the purpose of having vaccines. Hence, we institute an Isolation Bubble strategy where only the specific household, depending on the extent of contagion, will be cordoned off. This strategy helps us revitalize the economy and usher the way to the new normal.  To return to our pre-pandemic life is a shared responsibility. Matatamo lamang ito kung magtutulungan ang pamahalaan at ang taong-bayan. Per latest data from the City Health Office, a total of 162,191 shots were administered as first dose and 154,374 for second dose. 8,773 persons received single shot vaccines. This represents 95.97% of the eligible population that is fully inoculated. Meanwhile, 50.07% of the eligible population received their first booster shot. House to house vaccinations and school-based inoculations, as well as agency-situated vaccination sites, were done since we assumed to office. We have also been recognized by the Department of Health as one of only three LGUs in the region to reach the target rate under the RESBAKUNA PINALAKAS PINAS Program. While the data shows that a substantial portion of our population was already vaccinated, there are still more things to be done. In an era of disinformation and false narrative especially about the booster shots, we will further intensify the information education campaign so that people could make a well-informed decision.”
  30. “The City Health Office has been equipped with more modernized laboratory equipment thereby increasing the services offered.”
  31. “Sa ikalawang buwan pa lamang ng ating panunungkulan, nadagdagan na natin ng 50% ang honorarium ng ating mga Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars. Ito ay pagkilala sa kanilang walang sawang paglilingkod upang masiguro ay kalusagan ng kanilang mga kabarangay lalo na sa panahon ng pandemya.”
  32. “As the capital town of the province and the regional government center, we will harness the fruits of economic prosperity for benefit of the people through business friendliness and competitiveness. Gagawin nating mas kaaya-aya ang pag-nenegosyo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa corporate enterprises at pagpapaunlad ng MSMEs. Sa katunayan, binigyan natin ng utos ang Technical and Livelihood Development Office na tulungan ang ating medium and small enterprises sa pamamagitan ng technical and vocational skills development intervention. Kaagapay din natin ang Public Employment Service Office at Department of Labor and Employment sa pagbibigay ng job opportunities sa ating mga kababayan… Inumpisahan na din po ang pagproseso ng paggawa ng mga kooperatiba para sa mga TODA ng bawat barangay, maging sa mga magsasaka.”
  33. “Sa youth development and character building, katuwang ng paaaralan at mga magulang ang Pamahalaang Panlungsod sa pagpapaunlad sa mga kabataan. Agaran naming ipinatawag ang mga school officials at mga magulang upang pag-usapan ang mga susunod na hakbang para maiwasan ang violence sa ating mga paaralan. Sa susunod na mga linggo, pormal na ilulunsad natin ang Moral Recovery Program. Sa pamamagitan ng Local Youth Development Office, noong September 30, 2022 nagpulong ang mga kilalang student welfare advocates na sina Rev. Fr. Adalbert Barut, Rev. Fr. Dennis Jake Ordillos, Bishop Philip Pattaguan, Dr. Febe Marl Paat, Dr. Beverly Cambri, Ms. Perpetua Tobias, at Dr. Herbert Corpuz upang tulungan ang Pamahalaang Panlungsod na gumawa ng mga programa na magbibigay tuon sa pagpapaunlad ng character ng ating mga kabataang Tuguegaraoeno.”
  34. “Sa scholarship programs, nakapagbigay na tayo ng 633 na scholarship at student financial grants mula July 1, 2022 hanggang September 21, 2022, at patuloy pa itong darami dahil naroll-out na natin ang ating Student Financial Assistance Program at Ibanag Culture and the Arts scholarship grant. Mga kabataang Tuguegaraoeno, kasama ninyo kami sa inyong pagtahak ng landas tungo sa inyong mga pangarap. Hindi kayo iiwan ng Pamahalaang Panlungsod.”
  35. “Patungkol naman sa barangay development, naibigay na natin ang financial assistance sa mga barangay na nagkakahalaga P100,000 … sa 13 barangay. Layunin natin na mas matulungan pa ang mga kababayan kung kayat inumpisahan na rin ang pagproseso sa mga proyekto na kanilang pinili under ng Aid to Barangays Program na nagkakahalaga ng P600,000 bawat isa. Nagbigay din tayo ng mga non-financial assistance sa mga barangay tulad ng backfilling ng mga daan, regravelling, at pruning activities.”
  36. “Sa infrastructure projects, makakasiguro ang ating mga kababayan na ang mga proyekto ay naaayon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan. Nakikipag-uganayan tayo sa Department of Budget and Management at sa Senate of the Philippines para sa pagtatayo ng multi-purpose buildings at iba pang proyekto sa lungsod. Kasalukuyan din tayong nakikipag-uganayan sa mga international experts upang pag-aralan ang pagpapatapos ng ating Dream Bridge. Umaasa tayo na makikita ng lahat na ang ating Dream Bridge ay isa sa mga paraan upang mabawasan ang congestion sa mga chokepoints at mapabilis ang biyahe papuntang eastern barangays.”
  37. “Naging totoo din po tayo sa ating pangako noong ating inauguration [na] ‘Tamang Tao Sa Tamang Opisina; Rightsizing Ng City Government’. Inaayos po natin ang placement ng ating mga empleyado upang mas maging effective at efficient ang pagbibigay ng serbisyo publiko. Matapos din ang halos 10 to 20 taon na paghihintay, binigyan natin ng pagkakataong maging permanente ang ilang mga empleyado ng siyudad.”
  38. “Nakalulugod ko ding ibalita sa inyo na tayo ay nakikipagtulungan na sa Civil Service Commission upang itaas ang antas ng ating human resource management sa Pamahalaang Panlungsod. Next week, sisimulan na natin ang preparation para sa Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management or PRIME-HRM. Noong mga nakaraang taon, mas malaki ang pondong nailaan sa ibang expenditure programs ng Pamahalaang Panlungsod habang isinakripisyo ang hiring, promotion, filling, at recruitment ng permanent employees na siya sanang tutugon sa mga serbisyong ibinibigay ng gobyerno. Sisiguraduhin po natin ang proper budgeting and balanced allocation of funds.”
  39. “Hindi rin po natin pinabayaan ang sektor ng agrikultura. Alam po natin ang hirap na pinagdaanan ng ating mga farmers at fisherfolks dulot ng nakaraang kalamidad. Kaya naman gumagawa tayo ng mga paraan upang matulungan silang makabangon. Ang ilan sa mga ito ay ang mga initiatives in partnership with the Department of Agriculture tulad ng distribution ng 246 bags ng commercial fertilizers noong October 3 to 5, 2022. Nagbigay din tayo ng fuel discount vouchers sa 104 corn farmers at 35 fisherfolks, at 20,000 pieces ng cassava cuttings sa mga farmer-beneficiaries. Nagsimula na rin po ang ating farm mechanization program, alinsunod sa mga utos ni Pangulong Marcos. Nasa proseso na po tayo ng pagbili ng addition recirculation dryer, solar panel irrigation system, at rotavator for rice and corn farmers. Sa pakikipagugnayan sa DOLE at DSWD, nakapagbigay din po tayo ng kabuhayan sa 500 farmers na nasalanta ng Typhoon FLORITA sa pamamagitan ng TUPAD program.”
  40. “Sa usapin ng information dissemination, nakapagbibigay tayo ng sufficient at timely na mga announcement sa pamamagitan ng social media live and real-time updates by yours truly and the TCIO team.”
  41.  “…Let us remember also that overcoming the societal problems is not the duty of the government alone. I always reiterate the principle of shared responsibility”. Kabahagi ang taong bayan sa pagpapaunlad, pagsasaayos, at pagpapabuti ng kalagayan ng lipunan. We invite everyone to be part of participative governance.
  42. “We also call for unity. Nakikiusap po ako sa lahat ng ating mga kapwa lider at kawani ng Pamahalaang Panlungsod, kalimutan po muna natin ang pulitika. I am offering a helping and reconciliatory hand. Serbisyo muna tayo para sa ikabubuti ng mga Tuguegaraoeno.” (JKC/PIA-Region 2)

About the Author

Jan Karl Coballes

Regional Editor; Research and Development Officer; Tuguegarao City Information Center Manager

Region 2

Ibanag. Writer. Researcher. Ethnographer. Ethno-historian. Graduate student focusing on linguistic and cultural anthropology.

Feedback / Comment

Get in touch