No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Revitalized PNP KASIMBAYANAN inilunsad sa Batangas


LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Inilunsad ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang Revitalized PNP Kasimbayanan (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) sa Camp General Miguel Malvar sa lungsod na ito noong ika-13 ng Oktubre.

Ang aktibidad ay nilahukan ng may 160 katao kabilang ang hanay ng kapulisan at religious sector at ito ay isang community mobilization program na nagbibiga-diin sa sama-samang pagtutulungan ng PNP, publiko at ang simbahan.

Isinusulong nito ang isang makatotohanan na pagbabago tungo sa kaunlaran ng bawat isa sa pamayanan, ito man ay sa hanay ng kapulisan o sa mga simpleng mamamayan.

Nagsilbing panauhing pandangal si Bishop Vincent Vicencio, President-Christian Coalition Catalyst, PNP KASIMBAYANAN Movement kung saan binigyang-diin nito ang simbahan ay magiging matibay na katuwang ng PNP sa pagpapatupad ng mga akmang batas.

“Isa ang bagay na ito sa matagal ng panalangin ng mga church leaders, ang pagkakaroon ng national at spiritual transformation sa ating baya at magkaroon ng kamalayan ang iba’t-ibang komunidad sa kahalagahan ng gampanin ng PNP at publiko upang makamit ang kaayusan, katahimikan, pag-unlad at pagbabago sa komunidad," ayon kay Bishop Vicencio.

Ayon naman kay Provincial Director PCol. Pedro Soliba, ang programang ito ay Malaki ang maitutulong sa peace and security framework ng PNP sa pangunguna ni CPNP PGen. Rodolfo Azurin Jr. na MKK=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran).

Aniya, naniniwala sila na ang simbahan ang magsisilbing tulay sa pagitan ng pulisya at komunidad upang maiorganisa ang bawat miyembro ng pamayanan tungo sa pagiging isang masunurin at mabuting mamamayan sa ipinatutupad na batas. (MDC/PIA Batangas may ulat mula sa BPPO)



About the Author

Mamerta De Castro

Writer

Region 4A

Information Officer III at PIA-Batangas

Feedback / Comment

Get in touch