No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga kooperatiba sa BARMM, kaisa sa paglaban sa climate change

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)--Katuwang ng pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa paglaban sa climate change ang iba’t ibang kooperatiba sa rehiyon.

Kamakailan ay nagtipon ang sampung kooperatiba mula sa lungsod ng Cotabato sa coastal areas ng Kalanganan II sa nasabing lungsod upang makiisa sa Mangrove tree planting activity ng Cooperative and Social Enterprise Authority’s (CSEA) at ng Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE-BARMM).

Ang nasabing aktibidad ay nagbigay-daan sa mga kalahok upang makapagtanim ng dalawang daang seedlings ng mangroves na magiging tirahan para sa mga isda, alimango, shellfish, ibon, reptilya, at natural na depensa laban sa storm surge, coastal erosion, at coastal flooding.

Sinabi ni CSEA Administrator Samcia Ibrahim na ang nasabing aktibidad ay nakaangkla sa kasalukuyang trend ng pangangalaga sa kapaligiran. Hinikayat din ni Samcia ang mas malawak na partisipasyon ng lahat ng sektor ng lipunan sa pagbuo ng nation-building sa pamamagitan ng ‘cooperativism’.

 Samantala, kinilala naman ni Cotabato City Administrator Atty. Aelan Arumpac ang pagsisikap ng CSEA-BARMM, MENRE, at iba pang mga kalahok na kooperatiba sa lungsod sa pagtataguyod ng mga programa at serbisyo na may kaugnayan sa pangangalaga at sa kapaligiran. (With reports from BIO-BARMM).

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch