No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Babala ng Landbank: Mag-ingat sa modus

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Nagbigay paalala ang Landbank of the Philippines sa publiko na mag-ingat laban sa mga kumakalat na modus tungkol sa umano’y pagbibigay ng ayuda o financial aid kaugnay sa nalalapit na ika-60 Anibersaryo ng Landbank.

Ayon sa Landbank, hindi ito nagbibigay ng financial aid mula sa gobyerno kapalit ng page Likes, personal na impormasyon, o sa pamamagitan ng pagsagot ng online surveys. Ang mga scam na ito ay hindi konektado sa Landbank o sa anumang subsidiary nito.

Paalala ng Landbank na huwag ibigay ang anumang sensitibong impormasyon tulad ng detalye ng bank accounts, online passwords, o One-Time Passwords (OTPs) kanino man. Huwag magtiwala agad sa mga hindi kilalang indibidwal upang maiwasang mabiktima ng online scams.

Kumuha lamang ng impormasyon tungkol sa Landbank at sa nalalapit nitong ika-60 na Anibersaryo mula sa mga opisyal na social media channels https://www.facebook.com/landbankofficial at website ng Landbank https://www.landbank.com/.

Kung nakakita o naka-encounter ng ganitong klaseng scam, i-report o ipaalam sa aming Landbank Customer Care Hotline gamit ang mga sumusunod:

Telephone Number: (02) 8-405-7000 o 1-800-10-405-7000 (PLDT Domestic Toll-Free Number) o
Email: customercare@mail.landbank.com. (Landbank/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch