No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

KKDAT summit, isinagawa ng IPPO

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela (PIA) - - Matagumpay na isinagawa ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang 2022 Color Fun Run at Summit sa bayan ng Quirino, Isabela kung saan naging punong abala ang Quirino Police Station.

Ang naturang aktibidad ay isinagawa nitong nakalipas na Ika-6 ng Nobyembre 2022 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Community - Based Anti-Illegal Drugs Advocacy (CBAIDA) Day at paglunsad sa programa ng kapulisan na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA).

Aabot sa 600 na katao ang nakilahok sa nasabing aktibidad na kinabibilangan ng mga kapulisan mula sa iba’t ibang bayan at lungsod, miyembro ng KKDAT, life coaches at advocacy support group at mga kawani ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nakabase sa bayan ng Quirino kung saan naunang isinagawa ang Color Fun Run bago ang KKDAT summit.

Nagsagawa ng Zumba dance na sinundan ng Awarding ceremony kung saan nakatanggap ng papremyo ang mga nanalo sa iba’t-ibang kategorya ng Fun Run.

Pagkatapos ng fun run, isinagawa ang 2022 KKDAT Summit.

Nagsagawa ng 2022 Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Fun Run at summit ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) bilang bahagi ng Community-Based Anti-Illegal Drugs Advocacy (CBAIDA) at paglunsad sa Buhay Ingatan, Froga'y Ayawan (BIDA) na isinagawa sa Luna, Quirino, Isabela kamakailan. (Larawan mula sa Isabela PPO)

Tinalakay rin sa Summit ang mga paraan upang makaiwas sa ilegal na droga ni P/Cpl Howard G Castro ng Quirino Police Station, habang ibinahaggi naman ni Dennis Acosta ng PDEA Isabela ang iba’t-ibang klase ng legal at ilegal na droga at ang maaaring maging masamang epekto nito sa katawan ng tao. (OTB/MGE / PIA Isabela)

About the Author

Merlito Edale Jr.

Writer

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch