No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Libreng Sakay sa EDSA, 24/7 na simula Disyembre 15

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magandang balita! Simula sa Disyembre 15, magiging 24/7 na ang operasyon gn Libreng Sakay program sa EDSA Busway.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, layunin ng 24/7 na operasyon ay makapaghatid ng tulong sa mas marami pa nating kababayang commuter na patuloy na naapektuhan ng pagtaas ng mga bilihin at krudo.

Idinagdag pa ng Kalihim na gagamitin ng ahensya ang natitira pang budget na nakalaan para sa pagpapalawig ng libreng sakay.

Ang 24/7 Libreng Sakay program sa EDSA Busway ay magtatapos sa Disyembre 31, 2022. (DOTr/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch