No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Miyembro ng PhilHealth 2, umabot na sa 3.47 milyon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Umabot na sa 3, 475, 536 ang ang bilang ng miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa buong rehiyon dos. 

Ito ang inihayag ni Regional Vice President Llewellyn Binasoy sa paguulat nito sa kanilang naging accomplishment mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Aniya, 93 percent ito kung pagbabasehan ang kanilang naging target na 3.72 milyon para sa taong ito. 

Pinakamarami sa mga bilang ay mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya, Listahanan at Modified Conditional Cash Transfer ng DSWD at maging mga self-earning individuals na kapwa may 22 percent sa kabuuang bilang, sumunod naman ang mga senior citizen na may 16 percent, privately employed na 15 percent, government employees na 10 percent, migrant workers na 8 percent at may maliit ding bilang ang mga may kapansanan at mga kasambahay. 

"Bagamat mataas na ang ating registration rate ay hindi pa rin tayo titigil sa paghikayat sa ating mga kababayan na magpamiyembro na sa PhilHealth para sa kasiguruhan narin ng kanilang kalusugan," ani Binasoy. 

Inihayag ni PhilHealth 2 RVP Llewellyn Binasoy na mataas ang registrayion rate ng mga nagpamiyembro sa PhilHealth region 2. (PIA)

Samanatala, 90 percent din ang collection efficiency ng Philhealth kung saan nakakolekta na ang mga ito ng P1.33 billion na siyang ipinangbayad para sa 386, 730 claims sa mga accredited hospitals at health facilities sa rehiyon dos . 

Inihayag din ni Binasoy na mayroon nang 66 accredited Konsulta Providers sa buong rehiyon maliban na lamang sa lalawigan ng Batanes na siya nilang sasadyain sa susunod na taon upang mag-accredit ng mga posibleng maging Konsulta Providers ng PhilHealth. (BME/OTB/PIA Region 2)

About the Author

Oliver Baccay

Information Officer IV

Region 2

  • Assistant Regional Director, Philippine Information Agency Region 2
  • Graduate of Bachelor of Arts in Mass Communication 
  • Graduate of Master of Arts in Education, major in English
  • Graduate of Doctor in Public Administration

Feedback / Comment

Get in touch