Pagpapahalaga sa mga bata at kabataan,iginiit
BAGUIO CITY (PIA) -- Pagpapahalaga sa mga bata at kabataan ang pangunahing mensahe sa culminating program ng 30th National Children's Month at 11th Juvenile Justice Welfare Consciousness Week sa rehiyon.
Sa mensahe ni Regional Trial Court Branch 2 Judge Modesto Bahul, sinabi nito na mahalagang maproteksyonan ang mga ito.
Gayunman, sinabi nito na kailangan ding maigiit sa mga ito ang kanilang obligasyon, maging ng kanilang mga magulang o guardians.
Sinabi nito na sa kabila na ginagawa ng pamahalaan at mga non-government agencies ang kanilang makakaya para sa mga bata sa komunidad ay hindi ito sapat para sa tamang paggabay sa kanilang paglaki.
"Primary parental and family obligation in the upbringing and support of children must be strengthened and supported in every way possible. After all, it is every family's hope that despite the harsh realities in life, despite failures, our children will have a better, brighter future," saad ni Bahul.
Aniya, may kinalaman din ang komunidad sa paglaki ng mga bata kaya kailangang maging magandang ehemplo ang bawat isa.
Tiniyak naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang buong suporta nila para sa pagbuo ng mas maganda at mas maliwanag na kinabukasan ng mga bata at kabataan.
Mahalaga aniyang mamuhanan para sa kinabukasan ng mga ito at mabigyan din sila ng oporunitdad upang mahasa ang kanilang kakayahang mamuno.
"If there is someone who can help us create a better future for Baguio, it is the youth as they are the ones who will benefit from the seeds that we are planting now," ani mayor.
"Because the future belongs to our children, we must encourage the youth, provide them countless opportunities to develop their leadership potential, become better prepared for adulthood, and mold them to become responsible and productive citizens," dagdag pa ng opisyal.
Ang National Children's Month ay may temang "Kalusugan, Kaisipan, at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan" habang ang Juvenile Justice Welfare Consciousness Week ay may temang “Pagbabago ay Panigurado kung Tutukan natin ang Juvenile Justice Law”.
Nagtapos ang selebrasyon nitong Nobyembre 27 kung saan, ito naman ang kickoff ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women sa rehiyon na may temang "UNiTEd for a VAW-free Philippines". (JDP/DEG-PIA CAR)