No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong Lucena City police chief itinalaga

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon (PIA)-- Pormal ng umupo noong Disyembre 1 bilang bagong Chief of Police ng Lucena City Police Station si PLtCol. Erickson B Roranes matapos isagawa ang simpleng programa  sa Quezon Police Provincial Office sa Camp Guillermo Nakar, Lucena City

Pinalitan ng opisyal si PLtCol Reynaldo P. Reyes na nanungkulan bilang hepe ng pulisya dito sa loob ng isang taon at dalawampu't dalawang araw.

Inaasahan ni PCol. Ledon D, Monte, Quezon PNP Provincial Director na maipapagpapatuloy ng bagong talagang Chief of Police ng Lucena City  ang mga magagandang ipinatupad at nagawa sa lungsod ni Reyes na nagresulta ng kaayusan at katahimikan dito.

Ang pagbabasa ng Relief and Designation Orders ay pinangunahan ni PLtCok Sheree Ann Smile H Ubaña, Chief PARMU at sinundan  ito ng Turnover ng Unit Symbol, Property and Equipment Inventory Book at pagbibigay ng mga sertipiko ng pagkilala sa pamamagitan ni PCol. Monte, Provincial Direktor ng Quezon PPO bilang presiding officer.

Sa naturang seremonya ay pinarangalan si Reyes ng Sertipiko ng Pagkilala bilang tanda ng kanilang hindi matatawarang pagserserbisyo sa pagpapanatili sa seguridad at kapayapaan sa kanyang nasasakupan lalo’t higit para sa ikakabuti ng mga mamamayanan ng Lucena City, Quezon sa loob ng kanyang dedikadong pamumuno at pagseserbisyo.

Ayon sa Quezon Police Provincial Office, ang isinagawang seremonya ay siya namang nagsilbing bagong hamon para ipagpatuloy at maisakatuparan ang mga mandato at direktiba ng nakaatang sa bagong talagang hepe ng kapulisan na si PLtCol Roranes sa Lucena City Police Station.

Binigyang diin naman ni PCol Monte  sa kanyang gabay mensahe ang tuwirang pagpapatupad at pag-uugnay ng pangunahing mandato ni PNP Chief PGen, Rodolfo Santos Azurin Jr. na “Malasakit + Kaayusan + Kapayapaan = Kaunlaran” na kanyang binatayan ng 7-points Agenda ni Regional Director, PBGen. Jose Melencio C. Nartarez Jr. para lubusang mapangasiwaan at maging gabay sa pagdadala ng layunin ng mga programang angkop dito at sa pangkabuuang pagbabagong organisasyon ng pambansang pulisya.

Binigyang  paalala at importansya  ni Monte ang tahasang pagsunod at pagpapalawak ng Revitalization ng  PNP “KASIMBAYANAN” (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) na tutuon sa Espirituwal at Moral na paghubog sa mga tauhan ng PNP tungo sa pagkamit ng Mission at Vision ng PNP.

“Bilang alagad ng batas at hepe ng Quezon Police Provincial Office, nararapat na mabantayan at masubaybayan ko ang pagbibigay ng bawat kapulisan ng tapat at maaasahang publiko-serbisyo na marunong magpahalaga sa esensya ng buhay at pagsunod ng tama sa rule of the law,” sabi pa ni PD Monte. (RMO/PIA Quezon may ulat mula sa Quezon Police Provincial Office)


About the Author

Ruel Orinday

Writer

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch