No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagpapataas ng kamalayan hinggil Cybersecurity, tinutukan sa 2-day training ng DICT

Tinalakay ang kahalagahan ng pagtataas ng kamalayan ng mga kawani ng PNP hinggil sa seguridad pagdating sa Cyber Security. Sa makabagong panahon ngayon, kinakailangang handa at may sapat na kasanayan ang mga kawani at mga mamamayan hinggil sa usaping ito. (Larawan mula DICT-MIMAROPA Facebook page)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Upang maitaas ang kamalayan at madagdagan ang kasanayan hinggil sa Cyber Security ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Marinduque; nagsagawa ng Cybersecurity Awareness Program sa naturang lalawigan ang Department of Information and Communication Technology (DICT) MIMAROPA sa pamamagitan ng DICT Marinduque.

Sa isinagawang dalawang araw na pagsasanay, 300 uniformed personnel mula PNP Marinduque ang dumalo upang sumailalim sa naturang pagsasanay. Nagmula sa Provincial Headquarters, Mobile Force Platoon, at Municipal Police Stations ang mga personnel na dumalo. Hinati sa apat na batch ang naturang pagsasanay upang maisiguro na matututukan ng kawani ng DICT ang mga kalahok sa naturang pagsasanay at upang maisiguro na rin na ang ilan sa mga naturang kalahok ay makaka-gampan ng tungkulin sa seguridad.

Nagkaroon ng palitan ng mga ideya, suhestyon at karanasan ang mga naturang kalahok pagdating sa usaping Cyber Security partikular sa kaligtasan ng mga oridinaryong mamamayan; lalung-lalo na ngayon na uso na ang mga text at online scams na ang karaniwang target ay mga matatanda at walang gaanong kaalaman pagdating sa teknolohiya. Isiniguro rin na magkakaroon ng mga ganitong gawain sa iba’t-ibang barangay sa lalawigan upang maitaas pa ang kaalaman ng mga mamamayan sa bawat sulok ng probinsya hinggil sa usaping seguridad.

Isiniguro naman ng DICT na patuloy itong makikipagtulungan sa PNP Marinduque upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan hindi lamang sa pisikal na aspeto; maging sa cyber space na rin. (JJGS/ PIA-MIMAROPA)

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch