No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

LRTA, tumanggap ng parangal bilang Top Performing Railway Operator

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) – Binigyang parangal ng Philippine Railway Institute (PRI) ang Light Rail Transit Authority (LRTA) bilang “Top Performing Railway Operator” sa kanilang 3rd Founding Anniversary na ginanap sa LRT-1 Command Center sa Pasay City noong Lunes, Disyembre 19, 2022.

Ang pagkilala ay bunsod ng mahusay at epektibong pagseserbisyo ng LRTA para sa pagpapaunlad ng sektor ng transportasyon.

Ang Top Performing Railway Operator ay ipinagkaloob matapos na makamit ng LRTA personnel ang pinakamataas na passing rate sa Comprehensive Examination for Competency Requirement for Railway Personnel for Calendar Year 2022.

Bukod dito, tumaggap din ng “Dunong Award ang LRTA dahil sa dami ng top performing trainees nito na nanguna sa Refresher Trainee Course for Railway Operation and Maintenance Personnel’s Comprehensive Examination ngayon taon.

Kamakailan lamang, tumanggap ng Plaques of Recognition ang LRTA mula sa Career Executive Service Board (CESB): ang “Outstanding Human Resource Partner for 2022" at ang " Timely and Consistent Compliance with Quarterly Submission of CES Plantilla Reports”.

Habang noong Oktubre naman, binigyang pugay ng Civil Service Commission (CSC) ang LRTA at mga frontline personnel nito na nagsasakripsyo at nagseserbisyo sa gitna ng COVID-19 Pandemic.

Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng LRTA sa mga natanggap na parangal at pagkilala mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ngayong taon.

“Nagpapasalamat ako sa mga kawani ng LRTA dahil sa kanilang pagsusumikap at dedikasyon sa trabaho. Ang kanilang pagnanais na maging mahusay sa railway industry ay tiyak na makatutulong sa pagbibigay ng mas mahusay na serbisyo sa mga pasahero,” ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando T. Cabrera. (lrta/pia-ncr)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch