No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong amphitheater, ipinagkaloob na sa BSC

BASCO, Batanes (PIA) - - Pormal ng ipinagkaloob ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bagong itinayong amphitheater sa Batanes State College (BSC). 

Tinanggap ni College President Dr. Djovi Durante ang susi na simbulo ng pagtanggap sa bagong pasilidad nitong ika-dalawampu’t siyam ng Disyembre 2022.

Bago ang programa,  isinagawa muna ang blessing at  ribbon-cutting ceremony na pinangunahan ni Representative Ciriago Gato Jr, Vice Governor Ignacio Villa, BSC President Djovi Durante, at District Engineer Rommel Fabi.

Ang BSC Amphitheater ang  pinakamalaking gusali  ngayon at 'first of its kind'  sa probinsiya  na  may 384 seating capacity at may mga kagamitan para sa entertainment at performances


Ang pagtanggap ni Dr. Djovi Durante ng BSC Amphitheater

Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan ni Durante  ang suporta ng mga stakeholders, partnered agencies at si Representative Gato sa paglalaan  ng halos siyam napu’t anim na milyong  pondo para sa proyekto.

Pinasalamatan din nito ang DPWH sa pangunguna ni Engineer Fabi sa matagumpay na implementasyon ng proyekto.

Siniguro din ni Durante na ang Amphitheater ay magagamit  para sa optimum benefit hindi lang ng mga estudyante, staff kundi ng buong ivatan community.

Ayon sa kaniya magsisilbing venue din ito ng mga events at conventions na nagpapakita ng mayamang kultura at tradisyon ng probinsiya. (OTB/CEB/PIA Batanes)

About the Author

Christine Barbosa

Job Order

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch